Dancer at TV Personality, Ibinahagi ang Hindi Magandang Karanasan sa Pagkuha ng Ayuda sa Kanilang Barangay - The Daily Sentry


Dancer at TV Personality, Ibinahagi ang Hindi Magandang Karanasan sa Pagkuha ng Ayuda sa Kanilang Barangay



Photo credit to Mylene Nocon | Facebook

Noong nakaraang taon, pumukaw ng atensyon mula sa mga netzens ang isang Facebook post ng dancer at TV personality na si Mylene Nocon, kung saan kanyang ibinahagi ang hindi kagandahang karanasan sa pagkuha ng ayuda o cash assistance sa kanilang barangay.

Ang ayuda ay bahagi ng programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na talaga namang malaki ang naitutulong sa mga nangagailangan ng pinansyal ngayong panahon ng pandemya.




Photo grabbed from Google |  CTTO

Mylene Nocon | Facebook

Ngunit tila hindi maganda ang naging karanasan ni Nocon ng siya ay nagpunta sa kanilang barangay upang kumuha ng ayuda dahil na 'question' siya diumano ng isang taga-DSWD kung talagang kailangan niya nito. Mukha kasing ‘yayamanin’ ang dalaga na kahit na simpleng white dress lamang ang suot niya, napakaganda at nakapa-elegante niyang tingnan. Samahan pa ng mga alahas na suot nito.

Ayon kay Nocon, mura lamang ang suot niyang damit at ang mga alahas na suot, karamihan ay hindi tunay. Dagdag pa niya wala sa itsura o pananamit ang karapatan sa pagkuha ng ayuda dahil lahat ng tao ay nangangailang nito ngayon. Dapat raw ay baguhin din ng mga Pilipino ang mindset na maling panghuhusga sa kapwa.



Mylene Nocon | Facebook


Mylene Nocon | Facebook


Narito ang kanyang Faceboom post:

"Kumuha ng ayuda ganto ang suot eksena.

Ate DSWD : sure ka po bang need nyo ng ayuda.

Me :




Alam kong maganda sakin ang dress na to te pero mura lang to nasa 300 lang to. Mga gold ko dati pa tong panahon na may trabaho pa ako (karamihan pa dito hindi tunay . Almost year akong walang trabaho. Ngayon pa lang ako bumabangon

Parang pala desisyon ka ate

Question??

Bat kailangan maging mukang gusgusin pag kukuha ng ayuda? E lahat ng tao need ng pera lalo na sa panahon ngayon. Hirap sating mga pilipino mindset natin iba ih. hindi bat dapat kaming mga nawalan ng trabaho ang isa din sa priority ng gobyerno dahil kaming mga may trabaho ang mas apektado ng pandemya? Kesa sa mga taong sinasabi nyong mahihirap e wala naman talagang mga trabaho ang iba sa kanila bago pa magpandemya?? Paki explain labyu mwah

Ps : Mabait naman si ateng DSWD.

nashare ko lang ang thoughts ko hehe Godbless.

Salamat sa ourswimsuitmanila nag muka akong mayaman sa murang halaga ng damit nyo,

Godbless sa inyo."

***Nilinaw naman ni Nocon na hindi siya galit sa babaeng taga-DSWD dahil mabait naman daw ito. Ibinahagi lamang niya ang reaksyon at tumatakbo sa isip niya noong panahon na iyon kaya niya ibinahagi ang saloobin. Gusto lamang raw niyang ipagdiinan ang sinasabi ng matandang kasabihan sa Ingles na ‘Don’t judge a book by its cover’. Ibinahagi niya ito sa isa pang Facebook post.