Isa sa mga pinaka mahihirap at delikdaong propesyon ang pagiging isang pulis. Bukod sa kailangan nitong siguruhin ang seguridad ng mga mamamayan sa mga nasasakupang lugar ay marami rin ang nag iisip ng hindi maganda kapag nakakita ng mga naka unipormeng opisyal.
Hindi kasi maiwasan ang ilan na umaabuso sa kapangyarihan kaya't nadadamay pati ang mga matitinong kapulisan sa paningin ng mga mapanghusgang lipunan.
Gayunpaman, marami pa rin ang mga magigiting na pulis na siyang pinagkakatiwalaan ng sambayanan lalo na't kapag nababalitaan na kahit sa simpleng paraan ay nakikitaan sila ng kabayanihan.
Gaya na lang ng nangyari sa San Clemente Tarlan kung saan may nadaanang tricycle na sumadsad sa gilid ng kalsada ang dalwang mamang pulis na kinilalang sina SPO3 Tabelisma at SPO1 Tablarin.
Ipinamalas ng dalawang pulis na bukod sa tungkulin na ipagtatanggol ang mga mamamayan laban sa mga masasama ay tungkulin din nilang tumulong at maging mabuting halimbawa sa sambayanan.
Gani Laoeng Dumaoang | Facebook
Lalo pang marami ang humanga ng malaman na ang nagmamanaho ng nasabing tricycle ay isang principal na babae.
Ayon sa Facebook post ni Gani Laoeng Dumaoang, laking pasasalamat ng principal dahil sa dami ng dumaan at nakakita sa kaniyang kalagayan ay ang dalawang pulis ang tumulong sa kaniya.
Dagdag pa nito, sina SPO3 Tabelisma at SPO1 Tablarin pa raw mismo ang bumili ng mga kakailanganing gamit sa kalapit na bayan upang tuluyang maayos ang sasakyan ng principal.
Isa pang lubos na nakamamangha ay ng alukin daw ang dalawang pulis ng kabayaran para sa kanilang ginawa ngunit mariing nila itong tinanggihan at kusang loob nilang ibinibigay ang serbisyo sa kapwa ng walang inaasahang kapalit.
Saad ni Gani, "KAMI AY NAGBIBIGAY PUGAY SA INYONG KATAPATAN AT DEDIKASYON SA INYONG SINUMPAANG TUNGKULIN BILANG RESPONSABLENG ALAGAD NG BATAS, SPO3 TABELISMA AT SPO1 TABLARIN NG SAN CLEMENTE, TARLAC POLICE OFFICE."
Gani Laoeng Dumaoang | Facebook
"Nadaanan ng.mga police na nabaggit ang tricycle na sumadsad sa gilid dahil nasiraan, tinulungan nila ang babaeng driver na isang school principal, inayos nila ang nasira at sila pa mismo ang bumili sa bayan ng wheel bearing para maayos ito, laking pasasalamat ng.punong guro sa mga pulis dahil sa dami ng dumaan, sila pang mga pulis ang tumulong sa kanya."
"Nais bigyan ng principal ang dalawang police ng bayad sa pag repair at isoli ang pera na pinambili nila ng spare parts pero hindi tinanggap ng mga pulis dahil hangad nila ang tumulong sa mga nangangailangan ng walang kapalit at maglingkod sa bayan ng tapat.."
"Saludo kami sa inyong tapat na serbisyo SPO3 Tabelisma at SPO1 Tablarin ng San Clemente, Tarlac. GOD BLESS YOU ALWAYS."
Source: Gani Laoeng Dumaoang | Facebook