Nauuso ngayon ang mga Money Cake sa mga handaan lalong lalo na kada may mga nagdidiwang ng kaarawan bilang pang-sorpresa.
Isa itong tipikal na cake na nilalagyan sa loob ng mga naka rolyong perang papel at siyang hahatakin ng may kaarawan. Nakadepende rin sa mga umoorder kung magkanong halaga ng pera ang gusto nilang ipapalagay.
Kinaaaliwan ng mga netizen ngayon ang viral post ni Bea Manuel Sigua sa kanyang social media account tungkol sa naging kliyente niya ng mga binibake niyang mga Money Cake, kung saan kinansela nito ang order dahil ang inakala niya'y kasama na dito ang perang hihilahin sa halaga ng cake na P1500.
"Hindi po ako nag aabono sa money cake 😅🥺 hindi po ako mayaman ☹️ kung bawat money cake 1500 lang halaga tapos may laman na 10k e di na po ako magbebake oorder nalang ako ng money cake sa ibang baker 😂,"
Dagdag pa niya, nadadala na siya sa mga customers na nag-papaabono ng perang ilalagay sa cake dahil pagkatapos niyang gawin at pag effortan mula sa pagbibi-bake hanggang sa pagpapaplastik ng pera ay last minute na kinakancel ang mga orders.
"Nasayang effort ko mag withdraw, magpabarya at magbalot nakakadala na po talaga,"
Hindi rin magkamayaw ang mga netizens sa kanilang mga opinyon at reaksyon hinggil sa kung ano kaya ang posibleng iniisip at pinagdadaanan ng kliyente sa kanyang maling-mali na pag-aakala.
Narito at basahin ang kabuuang post ni Bea Manuel Sigua :
Hindi po ako nag aabono sa money cake 😅🥺 hindi po ako mayaman ☹️ kung bawat money cake 1500 lang halaga tapos may laman na 10k e di na po ako magbebake oorder nalang ako ng money cake sa ibang baker 😂
Pag money cake po kayo po magbibigay ng pera na ilalagay sa loob. Hindi po kami nag aabono don kasi last time na nag abono ako don nagcancel ng order yung client, nasayang effort ko mag withdraw, magpabarya at magbalot nakakadala na po talaga.
Fyi din po, pwede niyo naman ibank transfer samin yung money na lalagay sa loob pero ahead of time po sana please kasi sobrang dalang ng free time ko isa pa ang layo namin sa bayan para mag withdraw, iwiwithdraw ko pa yun at ipapabarya sobrang hassle magpabarya kaya ahead of time pinapadala ko na yung pera na ilalagay sa loob kasi pinapabalot ko sa mga katulong ko yun sa free time namin 😅 tulad nung nasa 3rd pic, january 15 palang nakabalot na yan pero pang january 30 pa yung money cake.
Sobrang loaded po kami ng orders talaga, di kami nagrurush. Matagal din po mag balot nyan lalo pag gusto ni client eh baryang barya ilalagay, di po ako tumatanggap ng isesend yung pera pag malapit na target date tapos ako pa magpapabarya dikitan na po talaga ng oras 😩
Kung may duda naman po kayo wag na po kayo samin pagawa ng money cake. Di ko naman po gagastusin ang money, may mga nagawa napo kaming 100k, 70k, 50k, 20k at mga 10k na money cake. Safe po ang pera niyo naman samin kahit anong amount pa yaaaaan 💯
PS. DI PO AKO GALIT NAGPAPALIWANAG LANG AKO 😂 good vibes lang dapat always hahahahaha
***
Source: Bea Manuel Sigua
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!