Kinailangang magpuyat ng home based baker mula sa Butuan City na si Jackylou Sanchez Husain upang matapos ang dalawang 10x4 na order ng cake sa kanya para sa kaarawan ng isang 90-year-old.
Ngunit nang maglalagay na siya ng frosting sa cake bandang 4:30 ng umaga ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang customer na i-cancel na lamang ang order dahil pumanaw na raw ang celebrant.
Deleted na ngayon ang post sa isang Facebook group ng mga baker. Ngunit bago ito mabura ay nagtanong si Jackylou kung ano ba ang dapat niyang gawin sa sitwasyong iyon.
Aniya, dapat ba niyang tapusin ang cake at ibigay na lamang sa kanyang customer bilang pakikiramay o huwag na lamang tapusin ito.
Maraming mga members sa Facebook group ang nangsabing ituloy na lamang niya ang paggawa ng cake at ibigay sa kanyang customer.
Maging ang isang chef at vlogger na si RV Manabat ay sumangayon dito.
“So for the effort won’t go to waste, I would continue the cake and send it to the family. The challenge is, it’s hard to collect the payment, during their mourning times — I would just give the cake as a gesture of my deepest sympathy,” sabi ni Manabat.
Ipinaliwang din ni Manabat ang kahalagahan ng kontrata sa mga ganitong klase ng business.
“Normally, you may demand a non-refundable 50 percent deposit upon signing, while the remaining 50 percent balance should be settled on or before the delivery date. And in the terms and conditions, it should be stated that in unexpected events, like what happened to Jackylou, the 50 percent balance may not be charged anymore,” paliwanag ni Manabat.
Sa isang article ng Manila Bulletin, sinabi ni Jackylou na ibinigay na lamang niya ang dalawang cake ngunit isa lamang ang may frosting.
Nag-alok naman ang kanyang customer na bayaran ang order na cake ngunit hindi na ito tinanggap ni Jackylou.
***
Source: Manila Bulletin