Ang sitwasyon sa buhay ng bawat tao ay magkakaiba at hindi pantay pantay. May mga taong ipinangank na mayaman at meron din namang mga hindi pinalad.
Photo credit: Facebook
Hindi naman basehan ang pagiging mayaman upang maliitin ang mga taong nasa ibaba nila. Katulad na lamang ng isang viral post sa Facebook kung saan minaliit ang pagiging construction worker ng isang lalaki.
Sa Facebook post ng netizen na si Eddcel, ikinuwento nito ang pag-uusap nila ng kanyang dating schoolmate nang sila ay nagkasalubong habang papasok siya sa trabaho.
Nagkamustahan ang dalawa ngunit hindi naging maganda ang tono ng pananalita ng kanyang schoolmate dahil tila minamaliit nito ang kanyang pagiging construction worker.
“Sayang naman yung pinag-aralan mo. Nag coconstruction kana lang. Buti hindi ko nararanasan yan. (Tumatawa)” sabi umano ng schoolmate ni Eddcel.
Hindi na ito pinansin ni Eddcel at nagpaalam na siya dahil baka ma-late pa raw siya sa kanyang trabaho.
Nasaktan man si Eddcel sa mga sinabi ng kanyang dating schoolmate ngunit nanatili parin siyang matatag at naniniwala parin na “Hindi naman sa lahat ng Panahon na sa Taas tayo. Diskarte sa Buhay na lang ang Labanan.”
Photo credit: Facebook
Photo credit: Facebook
Aniya, hindi niya ikakahiya ang pagiging construction worker dahil ito ang nakakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya.
Narito ang buong post ni Eddcel:
“Convo with Schoolmate(With Honors) Nagkasalubong sa Kalsada...
SM: Uyyy Eddcel ? Kamusta? Araw araw kita nakikita nadadaan dito.
ME: Ok lang naman eto papunta work.
SM: Nakikita nga kita eh, nagcoconstruction ka lang diyan sa Dulo Sumapa.
ME: Ahh ganon ba, oo eh hehe wala ng reklamo lalo pandemic.
SM: Sayang naman yung pinag-aralan mo. Nag coconstruction kana lang. Buti hindi ko nararanasan yan. (Tumatawa)
ME: Speechlesss (Diskarte Lang Sa Buhay)
SM: HAHAHAHA
ME: Pano? Una na ako, baka malate ako eh. (Bike palayo sa kanya habang tumatawa Siya.)
Yung tipong habang nag Babike ka,napapa isip ka sa bawat salita na narinig mo mula sa Tao na yun. And what? Sobrang Sakit . May KAYA sila sa buhay at Hindi habang buhay aasa SIYA sa Pamilya niya. May mga tao pading Idadown ka pero kailangan mo paring Magpatuloy . Hindi naman sa lahat ng Panahon na sa Taas tayo. Diskarte sa Buhay na lang ang Labanan
Ps: Kaninang Umaga lang to. Papasok ako sa Work. For that Guy? God blesss you at sa Family mo . Hindi ko ikakahiya kung ano ginagawa ko dahil dito ako Masaya at dito rin ako nakakatulong para sa Sarile ko at sa Ibang Tao at lalo sa Pamilya ko”
Umani naman ng papuri at inspirasyon mula sa mga netizens ang post ni Eddcel.
"Construction Worker lang pero sila lang ang may kakayanan na mapatapos yung mga maraming establishment saan kaman sa mundo kung wala sila paano kaya ang mga taong hindi marunong amg construct yung ang kayang gawin lang ay mang judge ng ibang tao," komento ni Kenneth Jun Januyan.
"Laban lang po sa buhay...Basta maganda ang pananaw mo sa buhay at wala kang inaapakang tao. Aasenso ka din. Pray lang lagi," payo naman ni Keekz-khay Armea.
"Walang bahay at buildings na magagawa kung walang construction workers kaya saludo ako sa inyo mga sir," sabi ni Ractashan Arcilla Ascarez.
"Laban lods hayaan mo Yung mga taong mapangutya kase hindi nman lahat ng bagay na nasakanya ay magtatagal mawawala rin yan sa kanya pero ang pag sisikap mo para maabot pangarap mo hindi yan makukuha nino man," sabi ni Jokier Munda.
"Malaki respeto ko sa mga construction worker kasi papa ko naging construction worker din at naging helper nya ako, kaya alam ko yung hirap kasi babad ka sa init. Tiwala lang sir kaya mo yan. Magiging matagumpay ka rin sa buhay magtiwala ka lang sa sarili mo at gawin mong inspirasyon ang buong pamilya mo. I salute you sir," sabi naman ni Zadam Bayon-on.
***
Source: Ddcl Srn Blny | Facebook