Bagong modus ng mga kawatan! Netizen nagbigay ng payo sa mga kapwa motorista - The Daily Sentry


Bagong modus ng mga kawatan! Netizen nagbigay ng payo sa mga kapwa motorista



Sa panahon ngayon ay naglipana ang mga manloloko at mapagsamantala. Wala silang pinipili basta magawa lang nila ang kanilang masamang balak.
Imahe mula sa Facebook post ni Kyle Christopher Marte Cinco

Maging mapagmasid sa paligid at huwag basta basta magtitiwala kahit kanino man. Huwag din masyadong maniwala sa mga sabi-sabi dahil hindi natin alam na tayo na pala ang susunod na biktima.

Tulad na lamang sa isang pangyayaring ibinahagi ng netizen na si Kyle Christopher Marte Cinco sa kanyang Facebook post. Nagbigay babala si Cinco sa kapwa niya motorista sa tila bagong modus ng mga kawatan.

Ayon kay Cinco, nangyari ang insidente malapit sa isang mall bandang 5:30 na hapon. Makikita sa larawang in-upload niya na halos mapuno ng puting pintura ang gulong ng kanyang sasakyan. 
 Imahe mula sa Facebook post ni Kyle Christopher Marte Cinco
Imahe mula sa Facebook post ni Kyle Christopher Marte Cinco

Kwento ni Cinco, may nasagasaan umano siyang bag na may lamang pintura. Maya-maya ay may lumapit sa kanyang naka-motorsiklong lalaki at tila nagmagandang loob na sabihin ang nangyari. Nang akmang bubuksan na ni Cinco ang pintuan ng kanyang sasakyan ay may napansin siyang isang lalaki sa bandang likuran ng passenger side ng kanyang kotse, kaya mas minabuti nalang niyang huwag lumabas.

Kinutuban si Cinco at naisip na baka modus lamang ito. Naisip niyang mas mahalaga ang kanyang kaligtasan kaysa sa kanyang gulong.

Narito ang kanyang buong post:

“This happened new Robinsons Galleria today around 5:30 pm.

Someone left a bag of paint on the road, I ran over it and a motorcycle approached me that theres paint on the car. Ive noticed somethings off, as I was about to open the door I noticed there was another guy who was waiting for me to unlock the door (he was outside on the passenger side back seat). When they realized that I already know what theyre up too they sped off.

Stay safe dont open your doors to anyone.”


***