Larawan mula kay Jessica Absalon |
Kung ikaw man ay nakakakain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw, o nagagawang makakakain sa labas na mga kainan at resto na hindi na kailangan pang paghirapan ang ipambabayad upang matikman lang ng kahit isang beses ang kung ano ang kinakain ng iba, ay magpasalamat sa mga biyaya dahil napakaswerte mo na sa buhay.
Kumurot sa damdamin ng mga netizens ang isang pangyayari na nasaksihan mismo ng may-ari ng restaurant at vlogger na si Jessica Absalon tungkol sa isang Lolo kasama ng kanyang batang apo na si Joshua na matagal ng gustong makatikim ng pagkain kung anong meron sa Samgyupsal.
Ngunit dahil kapos umani sila sa pera, inaya ng Lolo ang kanyang apo na mag-iipon muna sila mula sa kanilang pamamasko. At pangako ng bata na babalik at kakain sila ng Lolo niya.
Kinagabihan ng araw na yun ay bumalik ang mag Lolo dala-dala nila ang naipong mga barya pambayad para sa Samgyupsal.
"Mga bandang 6pm bumalik sila dala dala ng bata ang 199 pesos na tig babarya para lang ma subukan ang samgyupsal,"
Nahabag si Jessica sa sitwasyon ng mag Lolo, kaya'y pinakain na niya ito ng libre at ipinauwian pa ng makakakain ang dalawa.
Ayun pa sa mga netizens na madalas na nakakakita sa mag Lolo sa Tanza, Cavite sadyang mabait at mapagmahal talaga na bata at apo si Joshua at kahit pa umulan man o umaraw, patuloy silang naglalako ng lumpia at turon para kumita.
Narito ang kanyang buong post:
Convo with JK Diner’s JK Samgyupsal Unli Korean BBQ
Joshua: Lo, try po natin dito kumain
Lolo: Anak, mag-ipon muna tayo mamaya makakapag ipon din tayo
Joshua: Sige lo, balik po kami mamaya diyan ate (mabilis niyang sinabi sa isang staff ni jk)
Hours after, medyo busy kasi sa store kaya hindi agad namin sila napansin, mag lolo sila na namamasko. Mga bandang 6pm bumalik sila dala dala ng bata ang 199 pesos na tig babarya para lang ma subukan ang samgyupsal.
Joshua: Ate ito na po nakaipon na po ako subukan po namin ni lolo kumain
Nilapitan ko nalang sila at pinalabasan ko nalang ng food para masubukan nila ng walang hinihinging bayad at dahil may natira ay pinatake-out nalang namin sila para may makakain pa sila pag-uwi nila ❤️
Got some realization mga sis na we are still very lucky kung ano man ang meron tayo ngayon, learn how to be contended and appreciate things maliit man o malaki bongga nayarn.
Contentment 🥰❤️ Minsan hindi na natin namamalayan na sobra sobra narin ung hinihiling natin, kaya let’s start appreciating little things sa maliit man o sa malaking bagay, always be grateful and thankful 🙏💕
***
Source: Jessica Absalon
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!