Anak, naisipang ibenta ang kanyang mga medalya upang matulungan ang inang nalubog sa utang. - The Daily Sentry


Anak, naisipang ibenta ang kanyang mga medalya upang matulungan ang inang nalubog sa utang.



"Hindi ko expect na gagawin niya yun"

Damang dama ang bigat sa dibdib, ito ang mga katagang binitawan ni Cherryl Mendoza, isang single parent.

Labis na naapektuhan si Cherryl at ang kaniyang dalawang anak na si Kyle at Kenneth ng pandemya at naging dahilan ito ng pagkakabaon nila sa utang.




Dating lady guard at housekeeper sa kaniyang pinapasukan, nawalan ng trabaho si Cherryl dahil sa unti unting pagsasara ng ilang establisyimento mula ng magumpisa ang krisis. Kasabay nito ay ang sunod sunod na pagkakasakit nilang mag-iina.

Sa takot na mapaalis sa kanilang maliit na kwartong inuupahan, naisipan ni Kenneth na ibenta sa abot kayang halaga ang kaniyang mga medalya upang makatulong narin sa pang araw araw na gastusin nilang mag iina.

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook


“Mga medal ko po, binebenta ko po 'to. Baka po may gusto Bente-bente lang po. Salamat po,”

Nasa 50 medalya ang nakamit ni Kenneth mula sa matataas na parangal mula sa eskwelahan na sinusubukan niyang maibenta upang matugunan ang kanilang kumakalam na tiyan.

Hindi lubos akalain ni Cherryl na maiisipan ng anak nito ang ganitong klase ng pagsasakripisyo para makatulong sa kaniya.

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook


Ayon dito, "Itong krisis po sobrang hirap po. Sunod-sunod kaming nagkasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga, ayokong magkasakit ang anak ko. Syempre nanay ako eh, mas masakit sa akin yun. Bawal din ako magkasakit, dahil paano sila kapag nakahiga ako? Hindi pwedeng umasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon."

Ito ang nakakaluhang pahayag ng isang ina, na mag isang pilit na itinataguyod ang kaniyang mga anak.

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook


Marami rin ang nahabag sa bata matapos mapanood ang video nito na ibinibenta ang mga medalya. Isa na rito si Pinky Menor na agad namang nagpaabot ng tulong na pagkain at bigas.

Isa namang doktor na si Dr. Khristian Santos ang nagbigay ng laptop sa magkapatid upang magamit sa online class.

Tumugon naman ng tulong pinansyal ang programang Kapuso Mo, Jessica Soho pati na rin ang load para sa ibinigay nilang internet broadband.

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook


Labis ang tuwa ng mag iina sa mga natanggap na tulong. Sa katunayan, hindi na iniisip ng mga bata na makakapagtuloy pa sila ng pag aaral dahil sa kakulangan sa mga kailangang gamit at kahirapan sa buhay upang makapag online class.

Ani Kenneth, "Salamat po Mommy, kasi sa dami ng pinagdaanan nating pagsubok, hindi mo pa rin kami iniwan!"

"Pagsubok lang ito sa buhay na kaya naming malampsan."

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook