Lahat ng mga magulang kayang gawin ang kahit anumang mga pagsasakripisyo, di alintana kahit pa ito'y mahirap at aminadong imposibleng abutin ang mga bagay-bagay, maibigay lang nila ang pangangailangan ng pamilya.
Magkandakuba man sa paghahanap buhay, at kung minsa'y hindi handa sa lahat ng bawat pangangailangan ng mga anak, hindi agad-agad sumusuko, hahanap at hahanap ng paraan, hanggang sa kung saan kaya.
Isang patunay dito ang kwentong ibinahagi ni Maia Obera tungkol sa isang Ama na naabutan niyang nagbabayad ng inutang nito na gadget.
At kahit pa maliit lang ang kinikita ni Tatay sa pagtitinda ng isda para buhayin ang pamilya, pinagkakasya niya ito at humahanap pa ng ibang ng paraan upang masuportahan ang pangangailangan ng anak sa pag-aaral.
Kaya umutang ito ng isang cellphone para sana magamit ng anak sa kanyang pag-oonline classes, ngunit aniya ginagamit lang naman umano ito ng kanyang anak sa paglalaro ng mga online games.
Aniya pa, umabot ng tatlong buwan na hindi ito nakapagbayad dahil narin sa kulang pa kita sa pagtitinda, na siyang ikinakatakot din niya na baka maging dahilan pa ng kanyang pagkakakulong.
“Advise ko sa mga bagets, hindi tumatae ng pera mga magulang niyo. Dahil hindi lang yan ang prinoproblema nilang bayaran kada buwan,"
Narito ang kanyang buong post:
Tatay: Maam, babayaran ko yung 3 months na hindi ako nakabayad sa Home Credit. Text ng text na sila baka makulong ako. Hehe.
Cashier: Cellphone kinuha mo Sir?
Tatay: Oo maam pero anak ko ang gumagamit. Lagi nalang nag-gagames. 4,000+ ang aking dapat bayaran. Pakicheck nalang po maam.
Cashier: Bayaran mo 'to ngayon Sir?
Tatay: Oo maam. Maliit lang nga kita ko sa binebenta kong isda. Pero sige lang, matatapos ko rin bayaran 'to.
“Advise ko sa mga bagets, hindi tumatae ng pera mga magulang niyo. At icheck niyo muna kung kaya ba bayaran ng magulang niyo ang mga luho niyo. Tignan niyo kung kaya bang bayaran monthly? Dahil hindi lang yan ang prinoproblema nilang bayaran kada buwan.
Magagalit pa kayo sa magulang niyo kung hindi niyo makuha gusto niyo pero hindi niyo iniisip ang posisyon nila bago kayo mag-demand.”
***
Source: KAMI
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!