Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak. Lahat ay kaya nilang isakripisyo at tiisin para lamang sa kanilang mga anak.
Ang tanging hiling ng mga magulang ay mapabuti ang kanilang mga anak. Handa silang magtiis at mahirapan maitaguyod lamang ang mga ito.
Ang pinakamasakit sa kanila ay makitang nahihirapan ang kanilang mga anak kaya naman ginagawa nila ang lahat upang malunasan ang ano mang karamdaman ng mga ito.
Naniniwala ang karamihan sa atin na sa tuwing may problemang dumarating ay pagsubok lamang ito na kaya natin malampasan. Ngunit papaano kung ang dumating na problema ay sakit na wala talagang solusyon?
Katulad na lamang ng kwento ng isang ama na talagang tatagos sa puso natin.
Zhang Liyong and Zhang Xin Lei / Photo credit: One Blog Insider
Zhang Liyong and Zhang Xin Lei / Photo credit: One Blog Insider
“My daughter Zhang Xin Lei is now two and a half years old. She was diagnosed with severe blood disorder at just two months old,” kwento ni Zhang Liyong.
Malaki na raw ang nagastos ng ama sa pagpapagamot sa kanyang anak ngunit hindi parin bumubuti ang kalagayan nito.
Dahil sa kawalan ng pag-asang gagaling pa ang anak, napagdesisyonan ni Liyong na ihanda ang hukay kung saan maaaring ilibing si Xin Lei.
"I could only come up with this idea of bringing her to play at this place. This is where she will rest in peace. All I can do is accompanying her every day,” sabi ni Liyong.
Masakit para kay Liyong na anomang oras ay maaari ng mawala ang kanyang anak, kaya naman sinasamahan niya itong maglaro.
Si Xin Lei ay na-diagnosed sa sakit na Thalassaemia, isang sakit na namamana sa pamilya kung saan naaapektohan ang oxygen sa dugo.
Nangangailangan ito ng matagalang treatment, medications at blood transfusions.
“We have been driven into a corner. There is no other option,” sabi ng ina ni Xin Lei.
Panoorin ang video sa ibaba:
***
Source: MR Channel | Youtube