80-anyos na Lolo, inaresto dahil umano sa reklamong pagnanakaw ng Manggang siya ang nagtanim - The Daily Sentry


80-anyos na Lolo, inaresto dahil umano sa reklamong pagnanakaw ng Manggang siya ang nagtanim



Larawan mula kay Russel SimorioTV 


Laman ng social media ngayon ang balita tungkol sa isang nakakaawang matanda na hinuli at ikinulong matapos itong kasuhan dahil sa pagnanakaw umano ng Mangga na tinatayang hindi pa aabot sa sampung kilo.  


Halos maluha-luha ang 80-taong gulang na kinikilalang si Lolo Narding Floro mula Asingan, Pangasinan habang kinakausap ng mga awtoridad. 


Paliwanag ni Lolo Narding sa Asingan Police Station, pinapapapitas niya ang bunga ng isang puno ng Mangga na siya rin naman umano ang nagtanim ngunit nang sinakop at binakuran na ng may-ari ng lupa kugn saan itong nakatayo naging dahilan ito ng kanilang pagreklamo laban sa kanya. 


Larawan mula kay Russel SimorioTV 


"Pinapitas ko yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun," saad niya.


Dahil sa kanyang katandaan, nais niya nalang umano pag-usapan at makipagsundo sa nagreklamo at babayaran nalang niya ngunit hindi raw ito tinanggap bagkus ay kinasuhan siya at pinagbabayad ng anim na libo.


"Ang gusto ko sana makipagsundo,  maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo" 


Ayon sa post ng PIO-Asingan, gusto na umanong makauwi ni Lolo Narding sa kanilang bahay. Halos mag-iisang linggo na itong nasa kustodiya ng Asingan PNP dahil sa kasong inihain laban sa kanya.


Inaresto si Lolo Narding dahil sa bisa ng w@rrant of @rrest na inilabas ng 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) Asingan-San Manuel, noong December 20, 2021. 


Larawan mula kay Russel SimorioTV 


Ang korte ay may inilaang piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sinikap rin umano ng mga Police Asingan Station na matulungan nila ang matanda, kaya nag ambag-ambag sila upang makalikom ng kailangang pera pang piyansa nito.


Ngunit dahil sa kasalukuyang paghihigpit ng maraming lugar, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa ngayon, nasa pangangalaga at kustodiya ng Asingan Police si Lolo Narding. 


***

Source:  Russel Simorio TV, | Philippine Star

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!