70-anyos na Lolo na naglalako ng itlog, niloko ng mga kustomer; Ninakaw pa ang inutang na 10K pang kapital - The Daily Sentry


70-anyos na Lolo na naglalako ng itlog, niloko ng mga kustomer; Ninakaw pa ang inutang na 10K pang kapital




Sila na dapat ay nasa loob ng bahay nalang nagpapahinga, sinusulit ang mga panahong sila naman ang nararapat na inaalagaan at pinagsisilbihan ay patuloy parin sa pagkayod sa labas ng mga lansangan hanggang sa kanilang katandaan upang mabuhay. 


Nagviral ngayon sa social media ang isang 70-anyos na matanda mula Novaliches, Quezon City, na madalas niloloko ng kanyang mga kustomer. 


Siya ay si Lolo Romeo Pagapulaan, kahit sa kanyang edad ay nakikipagsapalaran at nagsususumikap parin araw-araw upang kahit papano'y kumita upang buhayin ang sarili. Kahit sa kahinaan ng kanyang katawan, padyak-padyak nito ang gamit niyang bisikleta sa paglalako niya ng kanyang mga panindang itlog. 



Nakakadurog ng puso nang sunod-sunod siyang niloko ng kanyang kustomer na omorder sa kanya ng 3-tray ng itlog ngunit hindi na siya binalikan kaya ang matanda pa ang nag-abono. 



"Nag-order ng tatlong tray. Sabi sa akin hintayin mo lang ako sa labas, kukuha lang ako ng pera sa tindahan. Hindi na bumalik, nawala na, abono pa ako,” 


Nang makita siya ng isang residente sa gitna ng kalsada na nahihirapan makausad dahil sa matarik na parte ng kalsada sa may Project 8, Quezon City, agad naman nitong tinulungan at itinulak ang bisikleta laman ang patong-patong na tray ng itlog.  


Nanlumo ito ng malaman ang sinapit ng matanda sa isang kustomer nito, hindi ito nagdadalawang isip upang pakyawin ang paninda ni Lolo.


Hindi ito ang unang beses na siya'y sinisimplehang niloloko ng mga nagkukunwaring bibili ng itlog ngunit ang pakay lang ay ang maisahan ang matanda. 





“Pagod na pagod na ako, tapos nanakawan pa ako,” mahinang sagot salaysay ni Lolo Romeo. 


Mag-isa nalang sa buhay si Lolo Romeo. Kalunos-lunos rin ang sinapit niya noong nakaraang buwan na magpapasko kung saan tinangay ang pera niya na nagkakahalagang sampung libo ng magnanakaw. Inutang pa umano niya ang perang 'yon para pang-kapital.


"Yung isang h0ldaper malaking tao. Hin0ldap pa ako, matanda na nga ako,"




Dagdag pa ng matanda, na tanging pagtitinda lang ang tanging alam niyang pagkakakitaan kaya kahit pa mahina na ang katawan patuloy parin siyang kumakayod hanggad may kaunting lakas pa. 


“Kahit na hirap na hirap na ako, kayod lang hangga't buhay pa ako at malakas pa ako,” 


Tanging ang mga tao sa palengke kung saan siya kumukuha ng itlog ang kanyang itinuturing na pamilya. Sila-sila rin ang nag-aalaga at nag-aambagan sa tuwing may sak1t ang si Lolo Romeo. 


“Naawa talaga kami sa kanya, marami kaming tumutulong tulong sa kanya. 'Pag nagkasak1t ‘yon, wala talaga inaasikaso namin. Ambag ambagan na lang,” naiiyak na pagsasalaysay ni Recehllyn Aquino





“Sa tanda niya na ‘yon dapat hindi na siya naghahanapbuhay, sa bahay na lang po pero naghahanapbuhay po siya dahil wala po siyang pagkain,” saad ni Juanita Gonzales, kasamahang tindera sa palengke.  


***

Source:  GMA News Online

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!