Lubhang napaka delikado na mag trabaho bilang isang minero. Bukod sa salat sa liwanag, malaki din ang posibilidad na gumuho ang iyong pinagtatrabahuhan na tila ba ika'y naghuhukay ng sarili mong libingan.
Ganito ang madilim na naging karanasan ng 33 minero matapos ang 69 na araw na pagkaka-trap sa isang minahan sa northern Chile.
Nagsimula ang malagim na pangyayari noong August 5, 2010 nang ang isang bahagi ng San Jose gold and copper mine kung saan sila nagtatrabaho ay gumuho. Ito ay matapos imungkahi ng supervisor ng mga minero sa boss ng kumpanya na baka puwedeng suriin ang estado ng minahan.
Imahe mula Facebook | Public Photos
Iginiit naman ng kanilang amo na ang seguridad ng kanilang minahan ay aabot pa ng hanggang dalawampung taon.
Imahe mula Facebook | Public Photos
Humayo ang mga minero at binaybay ng ilang oras ang kailaliman ng kuweba hanggang sa marating nila ang lalim kung saan sila maghuhukay ng ginto. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagbagsakan ang mga bato mula sa ibabaw ng kanilang pinagtatrabahuhan, dahilan para sila ay madaling magtungo sa isang ligtas na kanlungan.
Gaya ng inaasahan, ang nasabing kanlungan ay sadyang itinalaga para sa oras ng biglaang sakuna.
Imahe mula Facebook | Public Photos
Ngunit hindi naging sapat at kakarampot lamang na pagkain at tubig ang naroon para sa 33 minero at tinatayang ito ay aabot lamang ng tatlong araw para sa kanilang lahat.
Imahe mula sa pelikulang The 33
Agosto 22 nang sinimulan ang pagliligtas sa mga kawawang trabahador at ilang paghuhukay ang sinubukan para matunton ang mga minero.
Nalaman ang kinaroroonan ng mga ito ng magiwan ng sulat ang mga minero sa kagamitang panghukay ng mga rescuers mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Sabi sa sulat "We are fine in the refuge, the 33" ("Mabuti ang aming kalagayan, ang 33")
Imahe mula Facebook | Public Photos
Nabuhayan naman at galak na galak ang daan-daang taong nakasubaybay pati na rin ang mga pamilya ng mga kaawa-awang trabahador. Dito na bumuhos ang mga pagkain, inumin, damit, gamot, sulat at kung anu ano pa, para na rin makatulong na maibsan ang emosyonal na sitwasyon at trauma na dinadanas ng mga minero.
Imahe mula Facebook | Public Photos
Nagtulong tulong ng mahabang araw ang ilang expertong inhenyero at minero sa buong mundo upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng naipit sa ilalim ng lupa. Maingat at masusi nilang pinag aralan kung paano iaahon ang mga ito mula sa kanilang kinaroroonan.
Imahe mula Facebook | Public Photos
Matapos ang higit sa dalawang buwan na pagkaka-trap ay nakagawa ng sapat na lagusan ang mga tagapagligtas at isa-isang inaakyat ang 33 minero.
Tinatayang halos 2000 foot ang lalim ng pinaroroonan ng mga ito kaya tumagal ng halos 15 minuto bawat isang minero bago tuluyang mailigtas.
Imahe mula Facebook | Public Photos
"Here lived 33 miners August 5 - October 13 God was with us"
Makalipas ang halos 24 oras, lahat ng 33 minero na ang mga edad ay nasa 19 - 63 taong gulang ay matagumpay na nailigtas.
Taong 2015 ng isapelikula ang napakagandang istoryang ito ng pagasa na pinamagatang "The 33" sa pangunguna ni Antonio Banderas.
Source: history.com
Source: history.com