Tinaguriang “hero nanny” ang isang pinay mula sa Canada matapos nitong mailigtas ang buhay ng kanyang dalawang alaga.
Kinilala ang pinay na si Jillian Mendoza na nagtamo ng multiple bone fractures at head injuries.
Ayon sa ulat ng mga pulis, isang 82-year-old na lalaki ang sinusubukang i-park ang sasakyan nitong SUV nang bigla itong mawalan ng kontrol.
Sakto namang dumaraan si Jillian habang tulak tulak ang stroller ng kanyang dalawang alagang edad 2 at 5.
“From witness accounts we’re getting so far, she actually sounds like she’s a hero. She possibly pushed this stroller out of the way of the vehicle. When officers arrived on scene, the stroller was actually partially pinned between the vehicle and the wall,” sabi ni Toronto police Duty Insp. Michael Williams.
Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang bata.
Kwento ng kaibigan ni Jillian na si Cheryl Catricala, pauwi na raw ang mga ito upang mananghalian ng mangyari ang insidente.
“I thank God the kids are okay and Jillian is fine and we pray for her,” sabi ni Cheryl.
“When I got home I heard in the news and I tried to call her and she would not answer...that’s when I knew it was her who got hit by the car,” dagdag nito.
Ayon naman sa isa pang kaibigan ni Jillian na si Raychel Buebos, hindi nila akalaing makakaligtas pa ang kaibigan sa natamong pinsala kaya naman laking pasasalamat nilang patuloy na itong nagpapagaling.
"She's doing fine, she's recovering well, her boyfriend is beside her taking care of her," pahayag ni Raychel.
Isa namang GoFundMe page ang ginawa upang matulungan si Jillian. Ayon sa organizer na si Anne Manuel, si Jillian ay isang single mother at ang tanging bumubuhay sa kanyang pamilya.
Sa ngayon ay umabot na sa $165,000 ang donations para kay Jillian.
Tatlong surgeries na rin ang pinagdaanan ng hero nanny.
“She is so brave. I told her about all the support she is getting from everyone. The love, kind words, prayers and financial support and she was so overwhelmed. She never expected it,” sabi ni Anne.
“Let us continue to pray for her recovery and healing,” dagdag nito.
Nagpasalamat naman si Jillian sa lahat ng suporta at pagmamahal na kanyang natatanggap.
"Thank you everyone for the support and love, thank you, I love you, thank you for the prayers..." sabi ni Jillian.
***
Source: CP24