Marahil may mga tao at pangyayari sa ating buhay na maaaring nakapagdulot sa'tin ng sakit at pighati.
Mula sa naka deadma-hang bestfriend na nauwi sa pagu-unfriend. At sa mga taong nagparamdam sa atin ng pagkabigo na para bang the world is going to end.
Mga gabing hirap tayo sa pagtulog kakaisip sa mga maling nagawa at sa mga taong sumira ng ating tiwala. Ang hirap magpatawad at makalimot.
Mahirap at mabigat sa pakiramdam na mayroon kang dinaramdam, sinong tao nga naman ba ang kakayaning basta basta na lng magpapatawad?
Pero bakit nga ba kailangan nating magpatawad o mag SORRY? Hayaan mong bigyan kita ng limang (5) dahilan kung bakit at kung papaano mo ito sisimulan.
1. (S) Serenity – Maging kalmado at mahinahon. Kapag nagpatawad ka, binibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong makawala sa madilim na kabanata ng iyong buhay. Hindi hamak na ika’y maliliwanagan at magdudulot ito ng gaan sa pakiramdam tungo sa pag-gawad ng kapatawaran.
2. (O) Order – Direction patungo sa mas masaya at mas matiwasay na pamumuhay. Isang naidudulot ng pagpapatawad ay ang pag-alis ng mga hadlang upang ikaw ay makaabante sa iyong paglalakbay.
3. (R) Release – Kalayaan! Bigyan ang sarili ng kalayaang bumitaw sa nakaraan at magsimulang muli. Gawin ito ng simple at walang pag aalinlangan. Magpatawad at magparaya sa pait ng nakaraan.
pexels.com
4. (R) Recover – Maihahalintulad mo ito sa paraan ng iyong pag eehersisyo o pag babanat ng katawan ng higit sa iyong nakasanayan. Ngunit pagtapos nito ay unti unti kang makakabawi ng lakas.
Masakit man ang iyong katawan, mas higit naman ang ginhawa sa kalooban kapag ang pagpapatawad ay iyong matututuhan.
5. (Y) YOU – Bakit? Dahil lahat ng ito ay ginagawa mo para sa sarili mo. Karapatan mong magkaroon ng mapayapang pagiisip.
Marapat lang na mamuhay ng may kaginhawahan matapos mong malagpasan ang kadiliman ng nakaraan.
Ang pagpapatawad ay hindi lang para sa pinapatawad, bagkus ito’y para sa iyong sarili. Mahirap man itong gawin, pero tiyak na magpapakita ng isang magandang hangarin.
Sa oras na matuto kang magpatawad magsisilbi itong hudyat na nalunasan mo na ang mga sugat ng iyong nakaraan.
pexels.com
Pero hindi mo naman ito kailangang madaliin. Maghintay lang ng tamang oras at pagkakataon at siguradong lahat ng ito'y aayon sa tamang panahon.
Magtiwala ka, sobrang gagaan ang iyong pakiramdam.
Kaya para sa lahat ng nagdulot sa atin ng sakit at pighati, forgive them! At para naman sa mga taong nagawan natin ng mali, buong puso sana nating masabi, na “I am Sorry”
pexels.com
TODAY with CHRIS | Facebook
Source: TODAY with CHRIS | Facebook