Ninang nainis sa demanding na nanay: "Kumare, hindi ako bangko" - The Daily Sentry


Ninang nainis sa demanding na nanay: "Kumare, hindi ako bangko"



 Tuwing sasapit ang pasko ay normal na ang pagbibigay ng regalo sa bawat isa. Kahit na sa paaralan at opisina ay may tinatawag na exchange gifts.

Dyanne Jordan Montiero / Photo credit from her Facebook

Hindi rin lingid sa atin na tuwing pasko ay lumalapit o nanghihingi ng aginaldo ang ating mga inaanak. Para sa mga ninong at ninang, hindi naman kailangan na parati kang may ibibigay na regalo sa inyong inaanak.

Ang pangunahing tungkulin ng mga ninong at ninang ay magsilbing mga "co-parent" o katuwang ng mga magulang sa pag-alaga sa mga bata.

Kaya naman talagang nakakainis ang magulang ng ating mga inaanak tuwing namimilit o nagdedemand sila ng ibibigay sa kanilang anak.

Ganito ang naranasan ng netizen na si Dyanne Jordan Montiero.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Montiero na hindi siya tumatanggi kapag may kumukuha sa kanya bilang ninang, kaya naman tila umabot na sa 30 ang kanyang mga inaanak.

In-upload ni Montiero ang mga screenshots ng usapan nila ng nanay ng kanyang inaanak na nanghihingi ng regalo o pera sa kanya. Ang gusto pa nito ay ipadala sa 'smartpadala' o 'm lhuillier' ang aginaldo.

Ayon kay Montiero, hindi niya iniiwasan ang pagbibigay ng regalo o pera sa kanyang mga inaanak kahit na kapos din siya sa pera, ngunit parang nakakalimutan na ata ng iba ang totoong kahulugan ng Pasko at pagiging ninong/ninang.

Hindi po ako bangko… Nagninang po ako para mag-guide sa kanila habang lumalaki. Hindi para maging financer,” saad ni Montiero.








Basahin ang buong post niya sa ibaba:

"KUMARE"

Ako, hindi po ako tumatanggi magninang. Kaya nga ang dami na ng inaanak ko. 30 na yata. Naglalaan ako kahit tig-kokonti para mabigyan sila tuwing pasko. Para mapasaya yung mga inaanak ko. Pero to the point na kelangan ko pa ipadala sa Smart Padala? 

Hindi po ako bangko. Sa totoo lang, wala po akong trabaho ngayon pero nagtabi ako para sa mga inaanak ko. Wala po kayong patago sakin. Nagninang po ako para magguide sa kanila habang lumalaki. Hindi para maging financer. Although syempre pag nakakaluwag luwag, at nangangailangan ang inaanak e pwede mo din naman tulungan financially. Pero hindi po ako ganon. Mahirap lang po ako. Haha. 

Alam ko po yung essence ng Pasko na magbigayan at magmahalan. Kaya di niyo na po ako kelangan iremind. Haha. Basta sakin lang po, pwede niyo naman po akong puntahan pag pasko. Or pag nagkasalubong tayo at dala ko yung papasko ko e ibibigay ko naman po. 

pasensya na kung medyo sarcastic ang mga reply ko. Nakaka-offend na po kase. Yun lang po. Peace yow!
 
Shoutout to all my other kumares and inaanaks! Love you all! Merry Christmas!"

Basahin komento ng ilang netizens:





***