Ninang na hindi makapagbigay ng 1k na pamasko, tinawag na madamot ng kanyang kumare - The Daily Sentry


Ninang na hindi makapagbigay ng 1k na pamasko, tinawag na madamot ng kanyang kumare



Tuwing sasapit ang Disyembre ay binibigyan ng mga ninong at ninang ang kanilang mga inaanak ng regalo o aginaldo upang maging masaya ang kanilang pasko.
Photo credit: Mela Nie's Facebook post

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakapagbibigay ang mga ninong at ninang dahil mayroon din silang pinagkakagastusan at hindi sa lahat ng panahon ay may pera silang nakatabi.

Samantala, marami na ang nag-viral at kumalat sa social media na kwento patungkol sa mga nanay na demanding o nagagalit kapag hindi nabibigyan ng pera ang kanilang mga anak.

Isang Facebook post ng netizen ang kasalukuyang kumakalat ngayon sa social media matapos tawagin ng isang nanay ang kanyang kumare ng madamot dahil hindi mapagbigyan sa hinihinging P1,000 na aginaldo para sa kanyang anak.

Sa post ni Mela Nie, ibinahagi nito ang usapan nila ng kanyang kumare na hinihingian siya ng P1,000 pesos dahil may sakit raw ang kanyang anak.

Puro kayo kain ah baka naman gusto mong tulongan inaanak mo kahit isang libo lng kahet dkana magbgay ng pamasko mare haha,” sabi ng nanay.
Photo credit: Mela Nie's Facebook post
Photo credit: Mela Nie's Facebook post

Nagulat naman si Mela Nie sa presyong hinihingi ng kanyang kumare. Aniya, nakabili na siya ng mga regalo para sa kanyang mga inaanak. Dagdag pa niya, 22 raw ang lahat ng kanyang inaanak.

Agad tinawag na madamot si Mela Nie ng kanyang kumare matapos niyang tumanggi.

Isang libo lng naman napaka damot mo na ngayon mel kain nga kayo ng kain ng jowa mo eh kaya antaba mo na eh tapos isang libo wala ka impossible ang damot mo na inaanak mo naman to,” sabi ng nanay.
Photo credit: Mela Nie's Facebook post

Ipinakita ni Mela Nie ang laman ng kanyang Gcash upang ipaalam na wala na siyang pera, ngunit imbes na maniwala ay nagduda pa ang kanyang kumare.

Photo credit: Mela Nie's Facebook post
Photo credit: Mela Nie's Facebook post

Sabihin mo nlng kng ayaw mong tulungan inaanak mo hindi yng ang dami mo pang snasabi dang damot mo na mel,” sabi nito.

Nainis na rin si Mela Nie sa pagkademanding ng kanyang kumare.

Ewan ko sayo!!! Kayo na nga lang humihinge ng tulong napaka demanding nyo pa kung magkano!” sabi niya.
Photo credit: Mela Nie's Facebook post
Photo credit: Mela Nie's Facebook post
Photo credit: Mela Nie's Facebook post

Grave nman ang yabang naman hindi porket ikaw my mga sumusuporta at inaasahan ka parang isang libo lng pinagdadamot mo pa,” sagot ng kumare ni Mela Nie.

Kahit na inis na inis na siya ay ipinadala pa rin niya ang natitirang pera sa kanyang kumare.

Matapos matanggap ang perang P830 ay mukhang nagrereklamo pa rin ang demanding na nanay.

“Sge ayos na yan wla naman akong mgagawa kng ayaw mong gawing isang libo.”

“Hindi mo pa sinama yung 7 pesos pero sgeh salamat mare sa 830 ha,
” sabi ng nanay.

Basahin ang screenshots ng usapan ng magkumare sa ibaba:
Photo credit: Mela Nie's Facebook post
Photo credit: Mela Nie's Facebook post
Photo credit: Mela Nie's Facebook post

Photo credit: Mela Nie's Facebook post
Photo credit: Mela Nie's Facebook post

Sa ngayon ay umabot na sa 21k reactions, 3.5k comments at 34k shares.


***