Bawat isa ngayon ay kanya-kanyang hanap ng diskarte at kumakayod araw-araw upang kumita, upang mabuhay.
Halos lahat ay apektado at ramdam ang labis na kahirapan, ngunit gayunpaman hindi naging sagot ang tuluyang paghinto maging ang pagsuko sa problemang sumusubok sa katatagan ng mga Pinoy, aminadong napapagod pero tuloy na lumalaban sa buhay.
Tulad nalang ng isang Food delivery rider na nakita ng concern citizen na natumba at nakahandusay sa gilid ng daan dahil umano sa labis na gutom kasabay ng sobrang init ng panahon ay inabutan na ng pagkawala ng malay sa kalsada.
Nakakalungkot isipin na kahit mga pagkain at mga inumin ang kanyang laging dala-dala sa araw-araw at inihahatid sa mga may order nito, ngunit siya na mismong nagdedeliver ay nilalabanan ang kumakalam na sikmura at pagkauhaw.
Agad siyang tinulungan ng mga taong nakakita sa kanyang nakahandusay at dug*an ang ulo. Bakas din sa kanyang mukha ang matinding pagod at panghihina dahil narin sa gutom.
Doble ang hirap ng mga delivery riders lalong-lalo na sa mga nakabisikleta lang, mano-manong padyak habang sinusuong ang matinding init at ulan. Pahirapan sa kanila ang makakuha ng bookings, at madalas pang maloko ng mga fake bookings.
"KAWAWA NAMAN SI KUYA GRAB NAABUTAN NAMING NAKATUMBA SI KUYA, KAWAWA NAMAN SYA MAY DUG0 ULO NYA TINULUNGAN NAMIN SYANG MAKATAYO KAWAWa NAMAN,"
Ayon pa sa post, pauwi na sana ang rider galing sa kanyang pinagdedeliveran ng siya'y nakaramdam ng pagkahilo kaya ito natumba ng dalawang beses.
"Dipa pala kumakain si kuya kaya nahilo sya. dalawang beses syang natumba😢ðŸ˜mabuti Nalang napadaan kami sobrang nakakaawa si kuya grab??ðŸ˜"
"Pauwe nadaw sya tapos nadaw syang mag deliver tinanong namin si kuya binigyan namin sya ng water tapos biscuit sa init siguro kaya sya nahilo😢"
Marami sa mga netizens ang naawa at bumilib sa kakaibang pagpupursige ng delivery rider na sa sobrang pagsisikap ay nakakalimutan na ang sarili. Batid rin umano nila ang hirap ngunit kanilang paalala, na sa lahat ng panahon at oras ay huwag isaalang-alang ang kalusugan.
***
Source: Pobreng Tagapaglingkod
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!