Mga larawan mula sa Facebook |
Ang mga Pilipino ay maraming tradisyon na impluwensya na rin
ng ibang lahi na sumakop sa bansa, isa na rito ang pagpapahalaga natin sa kasal.
Ang pagpapakasal ay hindi lamang pagbubuklod ng dalawang taong
nagmamahalan kundi ito rin ang simula ng pagkakaroon ng sariling pamilya ng magkasintahan
na haharap sa altar.
Isa sa naging tradisyon nating mga Pilipino ay ang pagsasabit
ng pera sa magkaparehang ikinasal, ito ay upang magamit nila sa pagsisimula ng kanilang
buhay bilang mag asawa.
Kamakailan naman ay nag viral ang bagong kasal dahil sa
halip na pera o paper bills ang isinabit sa wedding gown ng bride ay isa
umanong dokumento na nasa loob ng brown envelope na may nakasulat na “Deed of
Sale” ang Nakita sa ikinabit sa damit ng bagong kasal.
Maliban dito ay may isinabit din na OR/CR ng sasakyan at mga
pera na tag iisang libo sa mag-asawa.
Ang bride ay kinilalang si Criselle Joy mula sa Roxas City
na ikinasal noong Nobyembre 26, ng kasalukuyang taon kay Al Vin Alegre.
Ayon kay Criselle, siya ay nag resign sa kanyang trabaho
nang ikasal sila ng kasintahan na isang miyembro naman ng Philippine National
Police Highway Patrol Group. *
Mga larawan mula sa Facebook |
Kinumpirma ng bride na ang regalong sasakyan at lupa ay galing
sa kanyang mga magulang at talagang hindi nila ito inaasahan na matangap.
“Yes po. Galing yun sa parents ko. Surprise po. Masaya na
emotional kasi hindi naming inaasahan ang blessing na ito.” Saad ni Criselle
Ang mga larawan ng bagong kasal ay tumanggap ng mga
positibong komento mula sa mga netizens at hindi rin nila lubos akalain na
magvi-viral ito.
Mga larawan mula sa Facebook |
Todo-todo din ang pasasalamat ng mag asawa sa mga taong naka
appreciate sa kanila pati na sa mga nakasaksi ng kanilang tunay na
pagmamahalan.
Ang pag bibigay ng regalo o pera sa bagong kasal ay isa lang
sa naging tradisyon na ng mga Pilipino ngunit ito naman ay hindi sapilitan at
dapat ay bukal sa loob ng mag bibigay.