Isang trabahador sa tubuhan noon, nakapagtapos ng kolehiyo bilang Cum laude at isa nang licensed professional teacher ngayon - The Daily Sentry


Isang trabahador sa tubuhan noon, nakapagtapos ng kolehiyo bilang Cum laude at isa nang licensed professional teacher ngayon



Photos courtesy of Facebook @Melvin Osabel Barucho



Ang pagiging mahirap ay hindi kapalaran, kundi ito ay isang pagpapasiya na kailangan gawin ng isang tao upang mai-ahon ang sarili mula sa pagigigng isang kahig, isang tuka patungo sa maluwal na pamumuhay.


Tunay nga na ang trabaho sa bukid ay isang marangal na hanap buhay. Ngunit hindi ito sapat para sa pangangailan ng isang pamilya. *



Kaya naman para sa isang taong may pangarap, sisikapin nito na maiahon ang sarili mula sa pagkakalugmok sa kahirapan sa buhay.


Tulad na lamang nang ginawa ng isa nating kababayan na si Melvin Osabel Buracho na isang dating trabahador sa isang tubuhan mula Medellin, Cebu, at dahil sa pagsisiskap, ngayon ay isa ng ganap ng licensed teacher.


Ayon sa kwento ng buhay ni Melvin, nagmula sya sa isang payak na pamilya, isang kahig isang tuka. Nakagisnan na nyang sa tubuhan na nagtatrabaho ang kanyang ama at mula pa sa kanyang lolo ay pagtatabas na ng mga tubo o sugarcane ang kanilang naging hanap buhay.


Dagdag pa ng binata, nagmula sya sa angkan ng mga gradeschoolers o hanggang elementarya lang ang inabot sa pag-aaral. 



"I came from a family of grade schoolers. None of my family members had gone to highschool. Grade 6 was the highest educational attainment my family has ever achieved-- my father's." ani Melvin sa kanyang Facebook post. *


Photos courtesy of Facebook @Melvin Osabel Barucho


Tandang tanda pa nya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ama na maging kuntento na lamang sa kung ano ang maibibigay ng kanyang mga magulang sa kanilang mga magkakapatid at huwag ng mangarap na makakapag-aral pa sa kolehiyo.


"I could still remember his famous line saying" Walay kwarta sa skwelahan". He never rejoiced with me with the success I earned in school. He never became a believer of a dream. He wants us to work and help them supply the needs of our  family..." dagdag pa ng binata.


Bagaman sinabi din naman ng kanyang ama, na wala namang masamang mangarap. At wala naman umanong masamang hangarin ang kanyang ama na mabuhay na lamang sa isang simple at payak na buhay.



Bagkus, nais umano ng kanyang ama na iparating sa kanilang magkakapatid na harapin at sitwasyon na kanilang nakagawian upang hindi na ito mabigo sa pagdating ng panahon na hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. *


Photos courtesy of Facebook @Melvin Osabel Barucho



Ngunit determinado si Melvin na makamit ang pangarap na makatapagtapos sa kolehiyo at maging isang guro balang araw.


Dahil naniniwala sya sa kasabihang ang edukasyon ang susi sa isang magandang kinabukasan at mag-aahon sa atin sa kahirapn.


Pahinto-hinto noon sa pag-aaral si Melvin dahil na rin sa kahirapan sa buhay at kailangan nyang tumulong sa ama sa pagtatabas sa tubuhan.



Sa kabila nito, lalo pang nagsipag si Melvin sa kanyang pag-aaral. HIndi sya pinanghinaan ng loob dahil sa pangaral ng kanyang ama kundi naging inspirasyon nya ito upang magpursige sa kanyang pag-aaral.


Nagpatuloy pa rin naman sa pagtatrabaho si Melvin sa tubuhan kasama ang kanyang ama. Pero ng dumating ang isang oportunidad na makapagtrabaho sya sa isang restaurant, ay ito na ang naging daan upang masuportahan na nya ang kanyang pag-aaral. *

Photos courtesy of Facebook @Melvin Osabel Barucho


Nagworking student si Melvin, pinagsabay nya ang pagtatrabaho at pag-aaral kahit sa murang edad nito hanggang sa makapagtapos sya sa highschool. Nagpapasalamat sya sa mga paghihirap at sakripisyong naranasan nya sa murang edad. Dahil ito ang nagpatatag sa kanya.


"But what I was thankful of that experience was, It  consumed inside me the fear of my father. I could still remember that certain place  where I asked myself this question, "Until when will I be like this? A question that was not supposedly be asked by children. I went out of our home and ventured for luck in life. Before leaving, I promised myself to prove my father wrong--- that Education is the answer."  kwento pa nito.



Gaya ng inaasahan, nakapagtapos na sya sa highschool. Dito na nagsimulang lumayo ang loob ng kanyang ama. Unti unti ng lumalamig ang pakikitango ng nito kay Melvin *


Photos courtesy of Facebook @Melvin Osabel Barucho


Masama ang loob noon ni Melvin, dumating pa sa punto na tinatanong nya ang itaas kung bakit dinadanas nya ang ganitong pagsubok.


"My father died. The person whom I dedicated all my hardworks died. That time, I don't know how to react. I never cried until his burial. My heart turned cold. I even ended asking God why? Why do I have to suffer this much?" dagdag pa nito.


Iniisip pa rin kasi ng kanyang ama, na nag-aaksaya lamang ng panahon ang anak sa pag-aaral. Dahil imbes na nagtatrabaho na ito at kumikita naman kahit papaano ay nahahati na ang oras sa paaralan at bukid.



Hanggang sa dumating na nga ang masamang balita, dahil hindi na nakapag-ayos pa si Melvin sa kanyang ama dahil sa pumanaw na ito. Nataon pa ito sa kanilang graduation ceremony.  Mula noon ay ipinangako ni Melvin sa sarili na magtatapos sya ng pag-aaral. *


Photos courtesy of Facebook @Melvin Osabel Barucho


Hindi naman nabigo si Melvin, nakamit nya ang minimithing pangarap. Pagkagraduate nito sa kolehiyo bilang Cum Laude, dumiretso agad sya sa puntod ng ama upang sabihin nya na hindi na masama ang loob nya sa kanyang ama.


Nagpatuloy ang binata na abutin pa ang pangarap at naging isang licensed teacher na nga ito. Hindi nya masukat ang kagalakan mula ng makamit ang pangarap at ang lahat ng tagumpay na tinatamasa nya ngayon ay kanyang inaalay kanyang ina at mga kapatid lalung lalo na sa kanyang pumanaw na ama.



Nais ni Melvin na magsilbing inspirasyon sa mga kagaya nyang naghihikahos sa buhay at nais makaahon sa hirap. Para sa kanya, kailangan lamang ng matinding determinasyon upang makapagtapos sa pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at mai0-ahon ang antas ng buhay.


"To all dreamers, 

If you want to succeed in anything, treat success as badly as you want to breathe. 

Sa mga katulad kong mahihirap dyan laging tatandaan." EDUKASYON ANG SOLUSYON"

This is the story of how a Tapasero turned Maestro"  masayang pahayag ni Melvin. *


Photos courtesy of Facebook @Melvin Osabel Barucho