Isang nakakapanabik na sandali sa ating buhay ang pagbubukas ng regalo lalo na kung ito'y galing sa iyong sinisinta. Ang iba pa nga ay talaga namang hindi makapag-hintay na malaman ang laman nito kaya't dali-dali nila itong binubuksan.
Gayunpaman, mayroong isang lalaki sa Canada na pinangalagaan ang kanyang natanggap na regalo ng 47 taon at tila nais niyang panatilihing misteryo ang laman nito.
Sa kwentong ibinahagi ni Adrian Pearce ng Edmonton, Canada sa kanyang Facebook post noong Disyembre 18 ay tungkol sa regalong matagal na niyang hindi binubuksan.
Isang regalong natanggap niya mula sa kanyang ex-girlfriend noong kapaskuhan taong 1970. Tila ito'y nagsilbing pamamaalam dahil nakipaghiwalay sa kanya ang kasintahan habang iniaabot ang regalong ito.
Dahil sa lungkot na naramadaman at sakit na idinunlot nito sa kanyang damdamin, nagdesisyon si Pearce at nangako sa sarili na hinding hindi bubuksan ang regalong ito.
www.huffingtenpost.com
www.huffingtenpost.com
Mula sa pangakong ito, 47 taon ang nakalipas at nanatiling misteryo ang laman ng regalong bigay ng dating kasintahang nagngangalang Vicki Allen.
Si Vicki ang unang seryosong naging ka-relasyon ni Pearce. At ang pagbubukas ng pamaskong handog sa kanya nito ang huling bagay na nasa isip ni Pearce.
Namamalagi ang regalong ito sa ilalim ng Christmas Tree nila Pearce tuwing kapaskuhan at ito lamang ang tanging regalong naiiwan doon at hindi nabubuksan.
www.huffingtenpost.com
www.huffingtenpost.com
Bagamat mangilang beses siyang hinimok ng kanyang pamilya na buksan ang regalo sa kahit anu pa mang paraan na gusto niya, ay pilit pa ring tumanggi si Pearce na paunlakan ang mga ito.
Ayon sa kanya, "I told my family I’m never going to open that present.”
At sa tagal nga ng panahon ay nagkaroon na ng asawa at mga anak si Pearce.
Tuwing pasko ay palagi niya paring inalalagay sa ilalim ng kanilang Christmas tree ang nsabing regalo at maging ang kanyang mga asawa't anak ay sinubukan din siyang kumbinsihin na buksan ito ngunit hindi sila nagtagumpay.
Tampok sa sikat na Canadian Broadcasting Corporation o CBC, sunibukan ni Pearce na tawagan si Vicki katulong pa ang kapatid na babae nito ngunit sila'y bigo.
Halos lahat ng numerong matagpuan na nakapanggalan kay Vicki ay sinubukan niya ngunit hindi ito naging sapat.
“I kept it initially because I guess I had hopes that we would get back together and open it together. Now it’s just become a habit after 47 years of looking at it and having the pleasure of not opening it.” Pagsasalaysay nito.
www.huffingtenpost.com
www.huffingtenpost.com
Buo ang desisyon ni Pearce na panatilihing sarado ang regalong ito at wala naman itong naging problema sa kanyang asawa. Bagkus ay suportado nito ang kanyang desisyon.
Ngunit sa isang banda, ay pinagiisipan pa rin ni Pearce na ito'y kanyang buksan pagsapit ng ika-50 anibersaryo ng regalo.
www.huffingtenpost.com
Nais pa nga ni Pearce na ito'y gawing isang paligsahan kung saan ang mga tao ay bibigyan ng tyansa upang hulaan kung ano ang nasa loob ng misteryosong regalo.
Ibabahagi naman ang mga malilikom na donasyon mula sa mga susubok humula sa laman ng misteryosong regalong ito.
Source: www.huffingtenpost.com