Larawan mula sa Manila International Airport Authority |
Sa kabila ng kahirapan dala ng pandemya, pinatunayan ng
isang janitor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may mga tao pa rin
na nanatitiling nabubuhay ng matapat at marangal.
Habang nangongolekta ng basura ay Nakita ni Jhun Telewik ang
isang bag na naiwan sa isang upuan sa NAIA Terminal 2 nitong nakaraang Sabado,
Nobyembre 27.
Hindi agad ito kinuha ni Telewik sa pag aakalang baka nasa
paligid lang ang may-ari ng bag at babalik din naman.
Nang mapadaan muli siya sa naturang upuan sa pangalawang
pagkakataon ay napansin niyang nandoon pa rin ang naturang bag, kaya naman kinuha
niya ito at agad na humingi ng tulong sa ground personnel ng Philippine
Airlines upang mag anunsyo sa mga pasahero kung mayroong nawawalan ng gamit,
ngunit wala umanong lumapit para kunin ito.
Agad niya ring ibinigay ang bag sa opisina ng lost and found
ng Airport, kung saan ay binuksan ang bag upang makita ang mga laman nito.
Nang buksan ito ng tauhan ng lost and found ay napag alaman
na ang bag ay nag lalaman pala ng $10, 000 o katumbas ng P500, 000 sa peso. *
Larawan mula sa Manila International Airport Authority |
Ang bag ay napag-alamang pag mamay-ari pala ng isang Filipino-American
na kagagaling lang ng United States na patungong Dipolog.
Nang tanungin siya kung ano ang kanyang naramdaman o naisip
nang makita ang bag ay sinabi ni Telewik na hindi niya umano naisip ang halaga
ng nilalaman nito, ang iniisip niya ay may mahalagang pag gagamitan ang may-ari
nito.
Pinuri naman ni MIAA General Manager na si Ed Monreal si
Telewik sa kanyang ginawa.
“Despite the hardship brought by the pandemic, there are
still people who remain honest. I salute Mr. Telewik for his great honesty. I
am sure there are still more equally dedicated workers in our midst here in
NAIA,” ani Monreal
Si Jhun Telewik kasama ang ilang opisyal ng MIAA | Larawan mula sa MIAA |
Ang bag at pera ay nakuha na ng anak ng may-ari matapos na
ma verify ang pagkaka-kilanlan nito. At bilang pasasalamat sa kanyang katapatan, binigyan nito si Telewik ng $100.