Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin |
Isang netizen ang
nakapansin sa isang matanda na pagala-gala at palagi nyang nakakasalubong
tuwing umaga sa kanyang pagpasok sa trabaho.
Ayon sa netizen na Joanna
Demeri, madalas nyang nakikita ang matandang ito na animo may pupuntahan o di
kaya ay papasok din sa trabaho na may bitbit ng mga bag.
Ngunit nang
kanyang makitang muli ang matanda at namamalimos ito ng kahit sa kauniting bariya
lamang sa bawat taong nakakasalubong nya sa daan,
Kahit tirik
ang araw at sobra ang init ay tinitiis ng senior citizen na ito ang hirap at
pagod makapang limos lamang.
Nakaramdam ng pagkahabag
ang ating netizen, hanggang sa nagkaroon sya ng pagkakataong makausap si nanay.
Nalaman nya ang pangalan ng matanda na si nanay Estella. Sabi sa kanya nito,
nagagawa nyang mamalimos para sa anak nyang may sakit.
“Tinanong ko
bakit sya namamalimos sabi nya para daw may pambili sila ng pagkain ng anak nyang may sakit. Yun
daw ang kasama nya sa bahay.” Ani nanay Estella.
At dahil sa
kanyang katandaan ay wala ng tatanggap sa kanya upamg makapagtrabaho at hindi
na marahil kakayanin ng mahina nyang katawan. *
Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin |
Kaya naman
kahit malayo ang kanyang nilalakad ay lakas loob nyang kinakaya ang makapanlimos
na lamang sa mga tao, “Naawa ako sa knya. Sobra init at malayo ang nilalakad.
Isang beses din nakita ko sya sa gilid ng daan kumakain dala ung baon nyang pagkain.” Ayon pa kay Joanna.
Dala ng awa
at udyok ng damdamin ni Joanna kaya naisipan nyang ibahagi ito sa social media.
At para na din maipanawagan nya sa mga
netizens na matulungan ang matanda.
“Baka
nakikita o nakakasalubong nyo sya.Sana kapag humingi o nakita nyo sya abutan
nyo si nanay kahit barya lang malaking tulong na po un para kay nanay at sa anak
nsyaang may sakit.” Kwento pa ng netizen.
Halos mapaiyak
na lamang si Joanna sa kalagayan ng matanda. Hindi nya lubos maisip ang
kahirapang pinagdadaanan nito at kung tutuusin ay nagrerelax na lamang sya sa huling
yugto ng kaniyang buhay dito sa ibabaw ng mundo. *
Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin |
“Pinipigil
ko lang ung luha ko sa mga kwento ni nanay. Wala kong magawa gsto ko sya
tulungan.” Dagdag pa ng netizen/uploader.
Isang
ehemplo ng ulirang ina si nanay, dahil sa kabilang ng kanyang katandaan at
kaninaan, ay patuloy pa din nyang inaasikaso ang kanyang anak na may karamdaman.
Bukod pa dito, ito na lamang ang kasama nya sa buhay.
Dagdag pa ni
nanay, ginagawa nya ito alang-alang sa pagmamahal nya sa kanyang anak. Kaya
naman nangako ito na kapag gumaling ito ay hindi na kailangan ni nanay ang
magtrabaho pa.
“Sabi pa nga
daw ng anak nya sa kanya na kapag gumaling dw sya hindi mo na kailangang gawin
yan nay.” Ani pa nito.
Madalas ko sya makasalubong
kala ko nung una may pupuntahan lang sya. Pero isang beses nakita ko sya
namamalimos. Naawa ako sa knya. Sobra init at malayo ang nilalakad. *
Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin |
Panawagan ni Joanna sa mga
tao ng maging mapagbigay lalo na sa matatandang katulad ni nanay, dahil
napakalaking bagay na ang mga bariyang ibibigay natin para sa kanila na maaring
malaking ginhawa na ito sa kanila.
"Sana kapag humingi o nakita nyo sya abutan nyo si nanay
kahit barya lang malaking tulong na po yun para kay nanay at sa anak nyang may
sakit.”
Ayon naman sa mga komento ng mga netizen sa post ni Joanna, sinasabi
nila na si nanay Estella nga daw ay may anak na may sakit.
Dagdag pa nito, marami din umano itong anak, ngunit sa kasamaang
palad ay pinapabayaan na lamang sya at hindi na iniintindi.
Madami naman sa mga netizen ang nais magbigay ng tulong, at nais
pa nilang puntahan ang kinaroroonan ni nanay Estella upang personal na mai abot
sa kanya at makausap na rin ito.
Hindi nabigo si Joanna sa kanyang pagpost at panawagan na mabigyan
ng kaunting tulong ang matanda, bagkus dumagsa pa ito at patunay lamang na
madami pa ding mga Pilipino ang may mabubuting kalooban at handing tumulong sa
nangangailangan. *
Photo courtesy of Facebook @Joanna A. Demerin |