Screencap photos courtesy of KMJS |
Animal
lover man o hindi ay siguradong madudurog ang puso sa video ng isang matandang
babae at ng kanyang mga aso na kinuha ng dog pound sa bayan ng Minglanilla,
Cebu.
Kaya
naman di naiwasan ng isang netizen na kuhaan ng video ang eksena ng matanda na
kinilalang si lola Ligaya, 60 anyos, habang umiiyak itong nagpapaalam sa kanyang
mga alaga. *
Ayon
sa kwento ni nanay Ligaya, nakita nya ang mga alaga nyang aso na sina Brownie
at Blackie sa plaza na pagala-gala lang at nanginginig sa gutom. Kaya naman pinakain nya ito at simula noon ay
napalapit na sa kanya ang mga aso.
Sa
kalagayan ni lola Ligaya na isa ding homeless ay nakuha pa nyang kupkupin at
alagaan ang mga asong ito.
Itinuring
nya itong mga anak at sila lamang ang tanging kasama nya sa buhay dahil sya rin
ay nag-iisa namumuhay gaya ng mga ito, walang sariling masisilungan at kamag-anak
na nag-aaruga.
Simula
noon, ay palagi na nyang kasa-kasama ang mga alagang aso san man sya magpunta
at itinuturing na nya itong mga anak nya.
Sa
kabila ng kalagayan ni lola Ligaya, nakukuha nya pang alagaan at kupkupin ang
mga asong ito na parang sarili nyang mga kamag-anak. **
Screencap photos courtesy of KMJS |
“Dito
ko sila sa Plaza nakita sina Brownie at Blackie. Nanginginig ‘yung mga aso kaya
pinakain ko sila. Simula nu’n, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko
silang matulog.” ani lola Ligaya.
Ngunit
sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla itong kinuha ng municipal dog pound sa
kanya ng wala man lang pasabi o paalam.
Makikita
sa video kung paano humagulgol sa pag-iyak si lola Ligaya habang namamaalam sa
kanyang mga alagang aso. Kahit ang mga taong nasa paligid ni lola ay napatulala
na lang at awang-awa sa matanda.
“Narinig
ko po kasi yung iyak ni nanay sa bahay namin, sobrang nakakaawa si nanay kasi
hindi nya makuha yung mga aso nya,”
sabi ng isang nakasaksi.
Para
kay lola Ligaya, hindi aso ang turing nya sa kanyang mga alaga kundi isang pamilya,
naging tapat na kasama nya ang mga ito at ni minsan ay hindi sya iniwan. **
Screencap photos courtesy of KMJS |
“Pamilya
ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila na
lang. Kaso, kinuha sila.” Umiiyak na kwento ng matanda.
Ayon
sa Municipal Veterinarian ng Minglanilla, nagkataong pinapatupad nila ang
programa ng pamahalaan na kung saan ay ini-impound nila ang mga pagala galang
aso upang maiwasan na makakagat sila ng mga tao at maiwasan na din ang pagkalat
ang sakit rabies.
Maging
si lola Ligaya na halos tatlumpung taon ng naninirahan sa kalsada ay matagal na
palang nais kupkupin ng MSWDO at sa Safe Haven home for the aged na lamang sya
tumira upang magkaroon na din sya ng maayos na tirahan.
“Wala
naman akong magawa, umiyak na lang ako. Naaawa kasi ako sa aking mga aso. Gusto
ko silang yakapin. Mahal na mahal ko kasi sila eh. Gusto ko nang makita ang
aking mga aso.” Dagdag pa ni lola
Ligaya. **
Screencap photos courtesy of KMJS |