Minsan may mga empleyado ng kompanya na hindi na masaya sa kanilang trabaho dahil na rin siguro sa hindi maayos na pagtrato sa kanila o kaya naman ay hindi sapat ang natatanggap na sahod.
Kaya naman napapaisip ang ilan na magbitiw na lamang sa kanilang trabaho at mag-apply sa ibang kompanya. Meron din namang iba na nagtitiis nalang kahit kapiranggot lang ang sahod dahil na rin sa kahirapan ng buhay.
Ganunpaman, isang netizen ang nag-trending sa social media dahil sa kanyang Facebook post kung saan ay umabot na sa 26,000 reaksyon, 6,000 comments at 21,000 shares mula nang i-post nya ito.
Ibinahagi ng netizen na si Aian Tiong Arroz sa kanyang Facebook account ang isang resignation letter kung saan nakapaloob ang kanyang mga hinanakit sa kompanyang kanyang pinagta-trabahuhan.
Larawan mula kay Aian Tiong Arroz |
Madami ang naka-relate at di naka-get over na netizens sa ginawang sulat ni Aian.
Larawan mula kay Aian Tiong Arroz |
Ayon kay Aian, na-eenjoy naman daw nito ang kanyang trabaho sa kompanya ngunit onti-onti daw nagiging toxic ito hanggang sa hindi na nito kinaya.
"I have enjoyed my time naman here kaso, toxic na kayo." ayon sa sulat nito
Banat ni Aian, ang kanyang mga overtime daw ay walang bayad at hindi din pinalagpas ang comfort room na walang bidet.
Inireklamo din niya ang mahal na paninda sa canteen ng kompanya at masusungit na mga tindera.
"50 pesos lang budget ko sa lunch, 85pesos yung pinakamurang meal, pangit pa nung ugali ng tindera." ayon kay Aian
Larawan mula kay Aian Tiong Arroz |
Idinamay pa ni Aian ang katrabahong mahilig sa isyu at walang ginawa kundi magtsismisan.
"Language barrier, walang bayad yung overtime, masungit yung utility at walang bidet ang CR! Issuemera pa yung karamihan sa mga employee" reklamo ni Aian
Kung kaya naman kinaaliwan ito ng ilang netizen at may nagsabi pang isi-save nila ang kakaibang resignation ni Aian para gayahin ang format kung sakaling magbibitiw ang mga ito.
Basahin ang buong post sa ibaba:
"I'm writing this today to notify you that I will be resigning effective immediately. I Have enjoyed my time naman here kaso, toxic na kayo. Language barrier, walang bayad yung overtime, masungit yung utility at walang bidet ang CR! nakaka-stress! Issuemera pa yung karamihan sa mga employee! Makita ka lang may snagsusundo sayo, sasabihin nila na may sugar daddy ka. Mahal pa ng tinda sa cafeteria! 50pessos lang budget ko sa lunch, 85 pesos yung pinaka-murang meal, pangit pa nung ugali ng tindera! Hindi naman pantay yung kilay niya! Bahala na kayo jan!"
Larawan mula kay Aian Tiong Arroz |
****
Source: Aian Tiong Arroz / Facebook