Isang dating trabahador sa construction, nagsumikap mag self-learn hanggang sa natupad ang pangarap na trabaho abroad - The Daily Sentry


Isang dating trabahador sa construction, nagsumikap mag self-learn hanggang sa natupad ang pangarap na trabaho abroad



Larawan mula sa post ni Marjon Castillote 


Totoo naman talaga ang kasabihan na kapag may tiyaga, may nilaga. Ito ay pinatunayan na ng napakarami nating kababayan na nakaahon sa hirap dahil sila ay nag sumikap hanggang sa matupad ang kanilang mga pangarap.


Bilang inspirasyon sa kanyang kapwa, nagbahagi ang netizen na si Marjon Castillote ng kanyang kwento ng tagumpay sa isang Facebook group.



Ayon kay Marjon, hindi siya makapaniwala na nakabuo na siya ng magandang computer station bilang isang Graphic Designer mula sa pagiging isang trabahador.


Kwento niya, mahirap ang kanyang naging buhay bago niya narating ang kinaroroonan sa kasalukuyan. Nag simula umano siya bilang isang construction worker at high school lang din daw ang kanyang tinapos.


Nang ma-realize niya na gusto niyang umangat sa buhay, nag enroll siya sa isang Photoshop training course sa halagang Php200 kada attend ng klase.


Sa umaga, siya ay trabahador na sumasahod lang ng Php350 kada araw, at sa gabi naman ay doon niya inaaral ang bagong natutunan na skill.


Dahil excited umano siyang gamitin ang bagong natutunan, matiyaga siyang nag-aapply every weekend sa maliliit na printing shop.


Sa kanyang pagti-tyaga ay natanggap din siya katagalan sa isang shop. Tinanggap nya ito kahit mas mababa ang sahod (Php200) bilang panimula sa bagong karera na gusting pasukin. *


Larawan mula sa post ni Marjon Castillote 



Kahit mas maliit ang sweldo niya noon ay tuwang tuwa na siya, bilang hudyat na magbabago na ang kanyang buhay.



“At ayun!!! May naghire sa akin na ang sahod ay P200 per day. Downgrade yung sahod pero OK na OK sa akin kasi maghapon akong nakakapag practice sa pag-de-design.”


“sobrang saya ko kasi may sarili akong computer na ginagamit at hindi na ako nadudumihan at naalikabukan. ABA may AIRCON pa!!!” ayon kay Marjon


Kasunod nito ay patuloy niyang dinagdagan ang kanyang kaalaman sa paged-design. Natuto rin daw siyang gumamit ng After Effects sa pamamagitan ng panonood ng videos sa YouTube. At dahil dito, siya ay naging 2D animator, kahit basic pa lang ang kanyang alam.


“Pare, First Corporate Job!!! Tapos 2D animator pa??!!! Ako na isang construction boy?? Grabe super blessed!!! Dito ko na nakilala si kumpareng ILLUSTRATOR... Pero diba nga may sumpa tayong mga Graphic Designers sa pagdadagdag ng skills? At isinama ko sa koleksyon ko si CINEMA 4D...Ito ang pinaka na-amaze ako sa power ng "JUST DO IT"” Pag babahagi ni Marjon


At hindi pa din dito nag tatapos ang kanyang kwento, nag apply siya bilang 3D Motion Artist sa abroad, at sinuwerteng natanggap kahit 2D animator ang kanyang simula. *


Maliban sa kanyang regular na trabaho, masayang binalita ni Marjon na sa wakas ay nagkaroon din siya ng kliyente bilang freelancer.


“Oh yes!!! I tried my really best to get clients kahit may trabaho pa ako sa abroad. And After many many many many many many many tries... rejections... failures...Ayun nag ka client na rin sa wakas.”


Hinikayat ni Marjon ang kanyang mga kapwa na nagtatrabaho bilang freelancer na huwag mawalan ng pag-asa kahit maraming beses sumubok mag apply.



“I just want to encourage freelancers, especially yung mga kapwa ko Graphic Designers. Don't give up guys! Nahihirapan ka man sa ngayon pero lilipas dn yan.” Aniya


“Don't focus on your struggles today. You are on your way to success!!!” Dagdag pa ni Marjon.


Larawan ng bagong computer station ni Marjon  | Larawan mula sa kanyang post 


Dahil sa pandemya ay marami ang nawalan ng trabaho, kaya naman naging mahigpit din ang kumpetensya sa larangan ng online or freelancing jobs. Maliban dito ay nagtitipid rin ang ibang employers. Kaya tulad ng payo ng netizen na ito, hintay hintay lang, darating din yan.