Food delivery rider na humagulgol ng iyak matapos manakawan ng bike, inulan ng tulong - The Daily Sentry


Food delivery rider na humagulgol ng iyak matapos manakawan ng bike, inulan ng tulong



Larawan mula sa Facebook


 

Nitong nakaraan lang ay kumalat sa social media ang video ng isang food delivery rider na umiiyak dahil ninakaw ang kanyang bike habang hinihintay ang order na cake na dapat sana ay kanyang idedeliver.


Ang video ay unang binahagi ng netizen na si Raymond Bartolome kung saan ay humahagulhol ng iyak ang kawawang delivery rider.



Ang bisikletang gamit ng rider na kinilalang si Joshua ay binili niya sa halagang P18, 000 para magamit sa pag dedeliver. Gumastos din siya ng P40,000 para mapaganda ang kanyang bike, kaya naman talagang kahit sino ay maiiyak sa nangyari.


Ayon pa kay Joshua, matapos niya kunin ang order ay hindi na niya mahagilap ang kanyang bisikleta na akala pa niya ay sa ibang lugar niya naiparada.


“Pumasok ako ng mall para kunin ‘yung order na cake ng customer. May padlock po akong laging dala para hindi manakaw yung bisikleta ko. Pero pagbalik ko, wala na ‘yung bike ko sa pinagparadahan ko!” Ani Joshua


At dahil nga mahal ang kanyang bisikleta na tanging gamit niya sa kanyang pinagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya ay talagang napalumpasay at hagulhol ang pobreng rider.*


 

Larawan mula sa Facebook

“Napakaimportante po ng bisikletang ‘yun. Siya ‘yung kasama ko nu’ng walang-wala talaga kami. ‘Yun lang ang kasama ko para may maiuwing pagkain sa pamilya ko.” Ayon pa sa rider



“Hindi naman ako nangloloko ng tao. Pero bakit sa akin pa nangyari ‘to?  Parang hindi na po sila naawa. Naghahanapbuhay lang naman po ‘yung tao.” dagdag pa niya


Dahil dito marami ang naawa at tumulong kay Joshua matapos mapanood ang kanyang video na nagtrending sa social media.


Isa na rito ang ‘motovlogger’ na si Team Katagumpay na binigyan si Joshua ng isang bike, helmet, ilaw, bottle holder, face mask at pang-limang araw niyang sahod.


Larawan mula sa Facebook


At nitong nakaraang Biyernes naman ay ang vlogger na si Motor ni Juan naman ang nagpaabot ng tulong sa kanya, binigyan siya nito ng repossessed na motor.


Walang mapag sidlan ang tuwa ni Joshua matapos matanggap ang sunod-sunod na tulong mula sa kapwa mga rider.



“Doon po sa mga tumulong sa akin, sobra-sobra po ang pasasalamat ko sa inyo. Mabuhay po kayo!” aniya.