Bakit parang ang liit lagi ng tingin ng ibang tao sa mga kapwa nila na ang trabaho at kabuhayan ay pagsasaka at pagbubukid? Kung tutuusin sila ang mga nagkapakahirap sa pagtatanim at pag-aalaga hanggat sa pag-aani upang tayo'y may mabibili at makakain. Sila pa madalas ang talo sa presyo ng bentahan.
Sa panahon ngayon, nagiging basehan na ng mapanghusgang lipunan ang pagkakaron dapat ng isang magandang trabaho kapagka ikaw ay nakatapagtapos. Dapat hindi ka sa initan at putikan, dapat ay nasa opisina ka lang nakaupong nagtatrabaho dahil may tinapos at may pinag-aaralan ka.
Ganito ang iksaktong naranasan ng isang magsasaka at magbubukid na si Jetro Secretaria, na nagtapos ng kanyang kursong Bachelor of Tourism Management sa Cebu Normal University.
Larawan mula sa post ni Jetro |
Nararanasan niya ang mga pang-uusisa at pangmamaliit ng ibang tao sa kanya sa kadahilanan kung bakit hindi niya ginamit ang tinapos na kurso at nagyo'y nagsasaka lang umano at nagtatanim ng mga kung anong-anong mga gulay.
"College graduate ka pero nagbubukid ka, hindi mo ginamit ang natapos mo," ganitong mga linyahan ang madalas niyang naririning sa mga taong kinukuwestiyon ang pagiging magsasaka niya.
Paliwanag ni Jetro na ang isang empleyado ay pwedeng kumita ng halos 10K-15K kada buwan, ngunit sa kanyang piniling trabaho sa pagbubukid kung saan tingin ng iba ay kabaligtaran sa kung ano ang kanyang dapat gawin ay kumikita siya ng halos P150K-200K sa loob lamang ng isang buwan.
Larawan mula sa post ni Jetro |
Larawan mula sa post ni Jetro |
"Sa aking pagsasaka pwede akong kumita ng P30K-50K kada linggo depende lang sa natapos ko, at sa presyo ng mga gulay."
Dagdag pa niya, sa kanyang pagtatanim wala siyang oras na hinahabol, wala rin siyang boss na nagbabantay ng kanyang oras at ng kanyang mga ginawagawa.
"Farming isn't just a job, it's a way of life. Proud farmers,"
Ayon pa kay Jetro, wala siyang problema sa isang pagiging empleyado at kung maganda at swerte ka sa pinasok mong trabaho, bagkus ay magpasalamat nalang.
"Huwag mo ng pakialaman ang iba kung saan at ano man ang pinili nilang gawin sa buhay, dahil baka hindi mo lang alam na mas maganda pa pala ang kalagayan nila kaysa sayo,"
Ipinagmalaki din niya ang kanyang mga magulang na napagtapos silang magkakapatid sa kolehiyo dahil sa pagsasaka.
Larawan mula sa post ni Jetro |
Narito ang kanyang buong post:
"College graduate ka pero nagbubukid ka, hindi mo ginamit ang natapos mo,"
Kung magtatatrabaho ako, pwede akong kumita ng P300+/day, P500/day equivalent to P10K-15K per month which is good.
Well, sa aking pagbubukid pwede akong kumita ng P30K-50K per week, P150K-200K per month kung suswertihin sa ani depende pa sa aking paggawa at sa presyo ng mga gulay, pero dito wala akong oras ng hinahabol at wala rin akong boss na kumokontrol sa oras ng aking trabaho which is better kaysa pagiging empleyado. At dito ko ginamit ang tinapos ko.
Larawan mula sa post ni Jetro |
Larawan mula sa post ni Jetro |
Kung swerte ka man sa pagiging empleyado mo at kontento kana sa trabahong meron ka, then be thankful! Huwag mo ng pakialaman pa ang iba kung saan at ano man ginagawa nila. Hindi mo alam na baka mas maganda pa ang kinalalagyan nila kasya sayo.
#ogwalaymatabangpuyo!
#awarenessofothers
#ProudFarmer
#respeto
***
Source: Jetro Secretaria
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!