Ang mga bata ay kadalasang malilikot at walang tigil sa kalalaro. Kaya naman kapag sila ay nananahimik ay siguradong may kakaiba na itong ginagawa o pinagkakaabalahan.
Ang iba ay kung anu-ano na ang nililikot, may iba naman na nagkukubli sa isang tabi dahil may dumi na pala sa kanilang salawal.
Pero iba ang kwento ng isang ito. Napansin umano ang isang bata na tila tahimik sa tapat ng kanilang bintana taliwas sa kadalasang pagiging makulit nito.
Tila tulala at may nginangata tuwing may dinudukot sa kaniyang bulsa.
Kaya agad namang sinilip ang laman ng bulsa at napag alamang ang kinakain pala ng bata ay patuka o feeds na pagkain ng manok.
tipstricks.ai
tipstricks.ai
Mabilis na kumalat ang mga larawan ng bata at halo halo ang naging reaksyon ng mga netizen.
Ngunit kapansin pansin ang komento ng isang nag ngangalang Gen Polinar.
Ayon sa kanya, pamangkin niya batang ang nasa litrato at taliwas sa panghuhusga ng marami, nilinaw nito na hindi nila pinabayaan ang bata.
Sinabi nito na kasalukuyang nasa trabaho ang mga magulang ng bata ng mangyari ang kinunang larawan at sila ang naatasan para tignan ang kanilang pamangkin.
tipstricks.ai
Gen Polinar | Facebook
Mayroon umano silang tindahan at isa sa mga paninda nila ang feeds o patuka sa manok. Nataong nakalimutan isara ng kapatid ni Gen ang pintuan ng tindahan.
Ito ang sinasabi na maaring dahilan para makapasok at makakuha ng patuka ang makulit na bata.
"Ganito po kc yan may tindahan kami kaya mayron feeds, nakalimutan esara ng kapatid ko ung tindahan. ang nag bantay ng bata ang kapatid ko na isa, may ginagawa ung kapatid ko pag balik nya ganyan na po ang ng yari ung bulsa ng damit ng bata mayron ng feeds."
Magsasaka Bayani Ka | Facebook
Gen Polinar | Facebook
Nanawagan din si Gen sa mga taong nagsasabi na baka ginugutom raw ang bata at baka inuna pang pakainin ang mga manok nila.
"Hindi po namin pinabayaan yong bata, Hindi rin nami yan ginutom.. Marami po siya stock na pag kain at gatas, mayron po din syang vitamins.."
"Sa nag sabi po na mas inuna Pa ang alagang manok kaysa bata hindi po totoo yan kc wala naman po kaming alagang na pang sabong na manok, at that time po nag trabaho po yong mama at papa ng bata."
"Sana naman po wag po kayo gumawa ng storya Hindi naman totoo.. Hindi nyo naman po alam ang buong details."
Maging paalala sana sa atin ang dalawang aral na mapupulot sa kwentong ito. Una ay ang siguraduhin na nababantayan ang mga musmos na bata at pangalawa naman ang pag uugali na alamin muna ang buong katotohanan bago manghusga.
Gen Polinar | Facebook
Source: Magsasaka Bayani Ka | Facebook