Dahil sa mga makabagong teknolohiya, madali na lamang sa atin ang makipag-komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay at sa ibang tao.
Photo credit sa Facebook account ni Nicole Joanne Meilat-Paguyo
Bukod sa text message at pagtawag, nandiyan na rin ang social media katulad ng Facebook na ginagamit upang maging updated tayo sa ating pamilya at mga kaibigan.
Halos lahat ngayon ay mayroon ng Facebook account at siyempre, nasa friend list natin ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit isang babae ang in-unfriend ang kanyang asawa na naging dahilan sa pag-viral ng kanyang post.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Nicole Joanne Meilat-Paguyo ang dahilan kung bakit binura niya sa kanyang friend list ang kanyang asawa.
Kwento niya, madalas raw niyang i-tag ang kanyang asawa sa mga posts na sa tingin niya ay “useful and informative” ngunit kahit isa raw ay wala itong binabasa.
Maging ang pag-tag niya sa kanilang family photos ay dedma rin ito.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“One time nung friend pa kami sa facebook I used to tag him sa almost everything na I think useful and informative but to tell you wala ni isa sa tinag ko ang binasa niya. Even sweet wall post or tagged family photos dedma siya,” sabi ni Nicole.
Hindi mo rin daw makikitang nagli-like or nagcocomment ang kanyang asawa, ngunit sa post ng iba o sa mga non-sense na bagay kahit hindi siya naka-tag ay nagcocomment ito.
Kaya naman naisipan ni Nicole na i-unfriend na lang ang kanyang asawa.
“Since then unconsciously I stopped tagging him, I stopped seeing his post and lastly d ko nakikita mga comment niya hahahahaha. Ang gaan sa feelings!”
Aniya, inabot raw ng ilang linggo bago ma-realize ng kanyang asawa na hindi na sila friend sa Facebook.
Ilang beses raw siyang pinipilit ng kanyang asawa na i-accept ang friend request nito ngunit ayaw itong tanggapin ni Nicole.
Aniya, mas lalo raw naging “intimate yung relationship namin kasi parang may namimiss kami lagi sa isa't isa kahit magkasama na kami sa iisang bubong.”
Sa ngayon ay mayroon ng 79k reactions at 54k shares ang post ni Nicole.
Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:
“Sharing my reason why I unfriended my husband on facebook.
Photo credit mula sa Facebook account ni Nicole Joanne Meilat-Paguyo
Why? Sabi nga nila "What you don't know won't hurt you". Sometimes men are insensitive, One time nung friend pa kami sa facebook I used to tag him sa almost everything na I think useful and informative but to tell you wala ni isa sa tinag ko ang binasa niya. Even sweet wall post or tagged family photos dedma siya. You know What hurt my feelings the most, kapag sa post ng iba or sa non-sense na bagay kahit hindi siya nakatag pustahan makikita mo may comment siya #Coolkid. Hahaha! Feeling niya nakakairita yung mga tinatag ko sakanya. (Which is true, ngayon ko lang narealize)
Photo credit mula sa Facebook account ni Nicole Joanne Meilat-Paguyo
Photo credit mula sa Facebook account ni Nicole Joanne Meilat-Paguyo
That's why I decided to unfriend him, kaloka inabot ata ng ilang linggo bago niya narealized d na kami friend! Since then unconsciously I stopped tagging him, I stopped seeing his post and lastly d ko nakikita mga comment niya hahahahaha. Ang gaan sa feelings! And narealize ko sobrang unhealthy ng Social Media sa magpartner kailangan scripted dahil alam mong may ibang nakakabasa. Yung tipong pag nag i love you ka, kailangan may mag i love you too. Ganon kastressful haha!
Ngayon na we are no longer connected sa social media. We started to have long conversation at home. Yung gsto niya i-tag sakin sinasabi na niya sakin personally. Kahit na nakatira kami in one roof at almost 24/7 magkasama meron paring mga bagay na hindi mo alam kaya mas nagkaron tuloy kami ng mga bagay na mapagkekwentuhan personally. At higit sa lahat WALA NA KAMING PAKIALAMANAN ng posts kagaya neto.
To cut the story short, mas naging intimate yung relationship namin kasi parang may namimiss kami lagi sa isa't isa kahit magkasama na kami sa iisang bubong.
P.s
Just sharing how toxic I am nung friend ko siya tapos automatic tinatag mo siya dahil wala namang ibang applicable, tapos you will get dedma. You get served what you deserve! Still Not accepting.”
***