Anak, aksidenteng nabasa ang mga mensahe ng kaniyang ina sa namayapang ama. - The Daily Sentry


Anak, aksidenteng nabasa ang mga mensahe ng kaniyang ina sa namayapang ama.



Isang Facebook post ang nagpaluha sa mga netizen dahil sa kakaibang natuklasan ng isang anak ng minsa'y hiramin nito ang tablet na kaniyang ina.

Nais lang daw sana umanong magamit sandali ng batang si Alfredrick Gayoma ang gadget ng kaniyang inang si Gloria Villafaña Gayoma subalit aksidente nitong mabuksan ang application na 'Facebook Messenger'




Dahil sa dalas na paggamit ni Alfredrick ng nasabing application ay nakasanayan na niyang buksan ito lagi para mag check ng mga mensahe.

Ngunit hindi nito inakala ang nakita ng mabuksan ang Facebook Messenger ng kanyang ina.

Patuloy pa rin palang pinapadalhan ni ginang Gloria ng mga mensahe ang kaniyang nasirang asawa na si Alfredo.

Pilit din niya itong tinatawagan kasama ang mga katagang "i miss you papa" at "mahal kita papa ko"

Alfredrick Gayoma | Facebook

Alfredrick Gayoma | Facebook


Kitang kita dito ang labis na pagkalumbay ng ina ni Alfredrick kaya naman hindi na nito napaigilang maluha habang patuloy na sinisiyasat ang messenger ng kanyang ina.

Ayon sa kanya, masakit para sa isang anak na mawalan ng ama pero batid niyang mas higit ang pagdadalamhati at pasakit na pinagdadaanan ng inang si Gloria.

Marami naman ang naka-relate na mga netizen sa fb post ni Alfredrick at nagsasabing ganito rin ang sitwasyon ng kanilang mga kapamilya o kamaganak na nawalan ng mga mahal sa buhay.

Alfredrick Gayoma | Facebook

Alfredrick Gayoma | Facebook


"So I used the tablet my mama is using to check on something then accidentally I opened the messenger app since its my reflex to always check it. After opening I noticed my mama tried to call my papa. Catch is my papa passed away more than a year ago. So to my surprise, I opened the message thread and saw these."

Alfredrick Gayoma | Facebook

Alfredrick Gayoma | Facebook


"I am on tears. I know to myself that it is really hard to lose a father, but I can't imagine the pain my mama is experiencing up until now. She misses papa more than anyone else. She still expects an answer from the other side."

Sana ay malampasan ni Nanay Gloria ang lungkot na nadarama, hindi man ngayon pero sa lalong madaling panahon at patuloy na harapin ang buhay ng may buong tapang at may bagong pag-asa.


Alfredrick Gayoma | Facebook

Gloria Villafaña Gayoma | Facebook