Walong taon pa lang ay tumutulong na sa kaniyang pamilya si Janelle Sabilala. Nagbebenta ito ng mga lutong pagkain lulan ng kanyang maliit na kahon at inilalako sa paligid ng Sapinit Road.
Tatlong kilometro ang nilalakad nito mula sa bahay ng kaniyang lola hanggang sa lugar kung saan siya nagbebenta. Ang lugar na tinaguriang "Little Baguio" ng Rizal.
Ang lola ni Janelle ang nagluluto ng kaniyang mga paninda na inilalako niya sa mga turista pumapasyal dito.
“Nagtitinda po ako pambili ng bigas namin, gusto ko na nagti-tinda kasi para rin sa amin ito. Kay lola po napupunta ‘yung kinikita ko. Okay lang na walang napupunta sa akin kasi doon naman kami nakatira.”
Ito ang naging pahayag ni Janelle ng siya ay makapanayam ng grupong nagbigay ng maagang regalo sa kanya.
firstbikeride.com
firstbikeride.com
Nagpapahinga umano ang grupo ng ito'y lapitan ng isang madaldal at nakakatuwang tindera ng lumpiang toge na si Janelle.
Habang nagku-kwentuhan ay napansin nito ang nag gagandahang mga bisikleta ng grupo.
Nais sana ng batang tindera ng magkaroon din ng magarang bisikleta ngunit dahil sa hirap ng buhay at kakulangan sa pera, ang hiling na magkaroon nito ay isinasantabi niya muna.
firstbikeride.com
firstbikeride.com
Kwento ng bata, “Yung dati kong bike ay sira-sira kaya binenta dati. Sira po ‘yun kasi wala na ‘yung bearings. Binenta kasi pambili ng gamot ko noong nagkasakit ako,” she recalled. “Nagkaroon ako ng lagnat at ubo. Six years old pa lang ako noon.”
Nang tanungin naman ito kung bakit sa murang edad pa lang ay nagta-trabaho na siya imbis na naglalaro ay ikinagulat nila ang naging tugon ni Janelle.
firstbikeride.com
firstbikeride.com
"Hindi ko iniisip na dapat maglaro ako kasi malaki na ako. Eight na ako.”
Maagang naulila sa ama si Janelle at nagmula sa mahirap na pamilya. Kaya sa pamamagitan ng kaniyang pagtitinda, kahit papano ay nakaka tulong ito sa gastusin nilang mag iina.
“Araw-araw siyang naglalako. Pero kailan lang siya naglako noong nag-open ‘yung Little Bagiuo, this year lang ‘yan ‘yan sumikat. Kasi napasok sila noong may face-to-face classes,” Ayon sa ina nitong si Reahlyn.
Sa tulong ng mga donasyon ay sinikap ng grupong "First Bike Ride" na mabigyan ng bisikleta ang batang si Janelle upang matupad ang munting kahilingan nito.
Hangad ng grupo na mapakinabangan ito ng husto ni Janelle kaya sinigurado nila na ang bisikletang ito ay matibay at pwedeng mai-adjust ang sukat upang magamit niya ito hanggang sa kanyang paglaki.
Malugod itong tinanggap ng masipag na bata na ngayon ay hindi na kakailanganin pang maglakad ng malayo at manghiram ng bisikleta sa kanyang mga customer para lang maranasan ang sayang hatid ng pagpadyak dito.
“Pang-titinda ko itong bike. Naiinggit ako sa mga customers ko kasi wala kaming bike. Gusto ko talaga mag-bike para doon ako magba-bike sa amin tapos magba-bike ako papunta dito. Para mas mabilis,” Sabi ni Janelle.
Source: firstbikeride.com