Dating estudyanteng janitor sa Australia, tagumpay na nakapagtapos ng pagaaral at ngayo'y may sariling restaurant na! - The Daily Sentry


Dating estudyanteng janitor sa Australia, tagumpay na nakapagtapos ng pagaaral at ngayo'y may sariling restaurant na!



Taong 2013 ng mag umpisang mangibang bansa ang noo'y 19-anyos na batang si 'Andong' o John Andrew Dangca. Tinulungan ito ng kaniyang tiyahin (panganay na kapatid ng kanyang ama) na makarating sa Australia at nakipagsapalaran bilang international student.

Dahil unang beses lamang nitong mawalay sa kaniyang pamilya ay labis siyang nalungkot na maging kahit sa pagligo nito ay naiiyak na lang siya agad kapag naaalala ang mga mahal sa buhay.




“Nagwu-work po ako sa gabi, nag-aaral po sa umaga.”

Hindi madali ang naging karanasan ni Andrew, hindi matatawarang pagsusumikap ang naging puhunan nito bago siya makarating sa kinatatayuan niya ngayon at tuluyang madala ang buong pamilya sa Australia.

Kaya ganun na lang karami ang napahanga ng maitampok at maibahagi nito ang istorya ng kaniyang paglalakbay sa isang segment ng programang Eat Bulaga! na "Bawal Judgmental" 

John Andrew Dangca | Facebook

Bawal Judgmental | Eat Bulaga


"May time na nakikiligo at nakikikitulog ako sa mga kaibigan ko (hayuf medyo makapal lang muka noh haha)  yung malapit sa workplace para di hussle sa time. Thankful kasi naiintindihan nila situation ko."

Naging taga-linis o janitor sa iba't ibang mga establisyemento si Andrew. Halos lahat ng oportunidad ay tinanggap niya upang kumita ng pera na sasapat sa kaniyang pag-aaral, pagkain at suporta sa pamilya.

John Andrew Dangca | Facebook

John Andrew Dangca | Facebook


"May time na bumagsak yung katawan ko at nagkasakit haha pero lumaban pa din. After 3 years of working ayan na nakuha ko na din finally yung kapatid ko na sumunod sakin."

Matapos ang anim na taon ng paghihirap at pagpupursige ay nakatapos ng pag aaral si Andrew kasabay din ng pagtanggap nito ng kaniyang 'Australian Permanency'.

Nakuha na rin nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae upang sa wakas ay tuluyan na silang magkasama sama.

John Andrew Dangca | Facebook

John Andrew Dangca | Facebook


Taong 2020, naganap ang pinaka mabigat na desisyon sa buhay ni Andrew ng simulan nitong magmay-ari ng isang Filipino restaurant sa Australia na kung tawagin ay “Salu-Salo in Canberra”

Pinayuhan man ng ina na wag magpadalos dalos sa desisyon ay itinuloy niya pa rin ito.

"Iniisip ko na lang na nasimulan ko na ipagpapatuloy ko na to, mapapagod pero di susuko" saad ni Andrew.

John Andrew Dangca | Facebook

John Andrew Dangca | Facebook


Ngayon ay halos 2 taon ng nagsisilbi at naghahatid ng masasarap na pagkain sa mga kababayan nating Pinoy sa Australia ang “Salu-Salo in Canberra” ni John Andrew.

Iginiit nito na “Talagang pinaghirapan ko po. Nag-strive po ako para makuha ko po ito kung anuman yung sitwasyon ko ngayon.” 

Payo pa ni Andong sa mga patuloy na nangangarap sa buhay, "Do not be afraid of taking risks! you will eat the fruit of your labor! Blessings and prosperity will be yours- sabi ni Lord yan e"

John Andrew Dangca | Facebook

John Andrew Dangca | Facebook