Swerte naman sa Amo! Pinay OFW, ginantimpalaan ng kaniyang madam ng $600 o katumbas ng halos P30,000 libong piso. - The Daily Sentry


Swerte naman sa Amo! Pinay OFW, ginantimpalaan ng kaniyang madam ng $600 o katumbas ng halos P30,000 libong piso.



Isang Pinay OFW sa Kuwait ang nakatanggap ng maagang pamasko mula sa kaniyang amo o Madam na $600 o nagkakahalaga ng halos P30,000 libong piso.

Mabilis na nag viral ang video ni 'Jhoy' kung saan ay dali dali siyang tinawag ng kaniyang amo upang iaabot ang sorpresang regalo nito sa kaniya.




Isang nakakaantig na tagpo ng isang amo at ng isang kasambahay ang nasaksihan ng libo-libong mga netizen pati na rin ng mga kababayan nating OFW na nagbigay ng luha at ngiti sa kanilang mga damdamin.

Sa umpisa ng video ay dali daling tinawag ni Madam ang OFW na si Jhoy. Lubos umano ang pasasalamat nito dahil sa kabaitan ng pinay at lubos na pag aaruga sa kanila ng kaniyang mga anak.


@ndaijhoy | Tiktok


@ndaijhoy | Tiktok


Napagalaman din nito na may problemang kinakaharap ang pamilya ni Jhoy sa Pilipinas kaya laking gulat nito ng pormang may kinukuha ang kaniyang amo sa pitaka.

Malugod na inabot ng Madam ni Jhoy ang $600 dolyares sabay yakap sa Pilipina habang nagpapasalamat.

Maluha-luha naman itong tinaggap ni Jhoy at kaniyang namang ipinaramdam ang lubos na pasasalamat sa pamamagitan ng mahigpit na pagyakap sa kaniyang amo.

@ndaijhoy | Tiktok

@ndaijhoy | Tiktok


Sa kaugnay na video naman ni Jhoy at ng kaniyang amo, pinayuhan nito ang mga OFW sa Kuwait o kahit saan mang bansa kung papaano makikisama ng maayos at papaano pakiki tunguhan at tutugunan ang pangangailan ng kanilang mga amo.

Payo nito, "All of you guys, don't say 'I am doing my best' or 'I will do my best' no! Say 'I will do it' I will make madam love me by my action. I will make madam loves love me by my work."

@ndaijhoy | Tiktok

@ndaijhoy | Tiktok


"So that's what I want you guys to do. I want you to work for God first. When you work for God first, God will make everyone loves you."

"Because when God loves you, everyone around you will love you"

Patuloy na marami ang humahanga sa mabuting pagtrato ng amo ni Jhoy sa kaniya.

Sana lahat ng magigiting nating OFW ay makaranas ng kapareho nito bilang ganti sa kanilang pagsasakripisyong mawalay sa mga mahal sa buhay.


@ndaijhoy | Tiktok



@ndaijhoy | Tiktok