Isang mala-higanteng saging ang ikinagulat ng mga taga Asingan nang ito'y matagapuan. Ang saging na ito ay mas kilala sa tawag na "tindok" o plantain na namumunga lang umano kada labing isang buwan.
Marami ang hindi nakapaniwala dito gaya na lang ng tatlumpu't limang taong gulang na hair & make up artist na si Arje Esteban.
Ayon sa kwentong ito na ibinahagi ng Facebook page na PIO Asingan, ikinagulat ng mga nakakita lalo na si Arje, nang una nitong makita ang larawan sa social media ng higanteng bunga ng saging.
"Actually nagulat ako hindi saging to.... Saaaagggiiiing!, sa sobrang haba ito po yung first time ko na makakita ng ganitong kahabang saging. Hanggang six inches lang po ang nakikita ko na saging meron palang ganito sa Asingan. Nakakatuwa naman, hindi ko ito kayang ubusin kailangan ko ng tropa ng bakla para kainin ito." ani Esteban.
Gaya ni Arje, ganito rin ang naging reaksyon may ari ng mga napalaking saging na si Winnie Tarangco, apatnapu't limang taong gulang mula barangay Cabalitian.
"Gaya po ng nasa picture mahaba po talaga siya hanggang dito po sa braso ko po yun, mas mahaba pa hanggang dito sa siko ko. Ngayon lang po ako nakakita ng saging na ganyan , sinlaki ng apo ko kung tutususin" pahayag ni Tarangco.
PIO Asingan | Facebook
Aniya, ang bawat saging ay tumitimbang ng halos tatlo hanggang apat na kilo at may haba na labing anim na pulgada.
"Sa haba nga nito hindi ko kayang ubusin kung ako lang mag isa, hindi yan kagaya ng normal na saging natin na isang kainan lang. Yan talaga hindi mo kayang kainin sa isang araw na kakainan." dagdag pa ng may-aring si Winnie.
PIO Asingan | Facebook
PIO Asingan | Facebook
Ayon naman sa Municipal Agriculturist ng bayan ng Asingan na si Mr. Ernesto Pascual, "Hindi talaga yan pang commercial, para bang inaalagaan na lang na ornamental na paisa-isa. Ang mga saging ay mas madalas lumalaki sa mga tropical na lugar gaya sa Pilipinas at parte ng Asia."
Bukod sa mga taga Asingan ay may mga netizen rin na nagbigay ng kani-kanilang mga komento. Ukol sa binansagan ng iilang 'Giant Saging'
"May ganyan kaming tanim na saging. Pag namunga dalawa o tatlo lang." - Liza
"May puno po ako nian...hindi pa po sa ng bubunga ang alam ko walang puso ata yan po kc may tanim ang uncle ko po nian" - Ducay
"Marami na akong nyang galing ng general santos ung tinanim. Ang bunga nya isa hangang Dalawa. Mabigat nga ang lalaki ng bunga wlang puso. Magandang luto nyan banana chips." - Rey
Source: PIO Asingan | Facebook