OFW pinalayas ng employer matapos humingi ng day-off sa apat na buwang pagtatrabaho upang ipagluksa ang ina - The Daily Sentry


OFW pinalayas ng employer matapos humingi ng day-off sa apat na buwang pagtatrabaho upang ipagluksa ang ina



Isang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Hong Kong ang tinanggal sa trabaho ng kanyang amo matapos humingi ng unang day-off sa apat na buwang pagtatrabaho ng diretso upang ipagluksa ang kanyang ina.
Rose Suarez / Photo credit: The Sun Hong Kong

Laking gulat ng OFW nang bigla na lamang siyang bilhan ng kanyang employer ng flight ticket pauwi ng Pilipinas.

Ayon kay Rose Suarez, 42, tuloy tuloy umano ang kanyang trabaho sa loob ng apat na buwan at walang day-off. 

Hindi nagreklamo si Rose kahit na wala siyang day-off sa loob ng apat na buwan, ngunit ng mawala ang kanyang ina noong Abril ay nakiusap siya sa kanyang amo na magbakasyon upang ipagluksa ang ina.
Rose Suarez / Photo credit: The Sun Hong Kong

Hindi makapaniwala si Rose dahil ayaw pa rin siyang payagan ng kanyang amo. Ang mas nakakagulat pa ay tinanggal na siya sa trabaho at binilhan ng ticket pauwi ng Pinas.

April 23 po yun, Huwebes (the day her mother died). Yun po yung araw na nagpaalam ako na sa darating na Sunday off po ako. Yung araw din na yun ay tinerminate nya ako. Kaya sabi nga po niya hindi na ako mag day-off kasi sa April 30 baba na ako sa kanya,” sabi ni Rose.

Ayon kay Rose, dalawang taon at apat na buwan siyang nanilbihan sa pamilya ng kanyang employer. Kaya napakasakit sa kanya na basta basta na lamang siyang tatanggalin sa trabaho dahil lamang gusto niyang umuwi at ipagluksa ang kanyang ina.
Rose Suarez / Photo credit: The Sun Hong Kong

Sagot ng kanyang amo, natatakot raw sila dahil baka mahawaan sila ng C0V1D pagbalik ng Hongkong ni Rose.

Sa huling araw ni Rose ay nagtrabaho siya hanggang hapon. 

Ayon sa article ng ‘The SUN Hong Kong’, binayaran umano si Rose ng kanyang employer ng “HK$817 (P5,284) for her unpaid salary for 13 days, annual leave for 2.25 days (minus HK$2,000 (P12,936) for a loan she was offered before she took her Christmas break), and an air ticket.”

May 1 ang flight ni Rose na ibinook ng kanyang employer pauwi ng Pilipinas. Ngunit sa araw na iyon ay pinigilan siya ng kanyang mga kaibigan na umuwi at sinabing humanap muna siya ang bagong employer bago umuwi. 

Mabuti at nakinig si Rose sa kanyang mga kaibigan dahil nakahanap siya ng bagong employer. Maraming salamat sa ipinatupad na Immigration na “14-day rule for terminated FDWs amid the pandemic.”

Tinulungan rin siya ng kaibigan niyang lumapit sa Hong Kong Labour Department para sa apat na buwan niyang pagtatrabaho ng walang day-off at ang 1 month salary niya na hindi ibinigay matapos i-terminate ang kanyang kontrata.

Malaki rin ang nagastos ni Rose upang makahanap ng bagong employer.

Sa pamamagitan ni Consul General Raly Tejada, nailapit ang problema ni Rose sa programa ng gobyerno na “Akap” para sa mga displaced OFW’s. 

Sa tulong rin ni Assistant Labour Attache Tony Villafuerte, nabigyan ng $200 (P10,000) financial assistance si Rose.
Cynthia Abdon-Tellez / Photo credit: The Sun Hong Kong

Patuloy rin ang tulong na ibinibigay sa kanya ng ‘Mission for Migrant Workers’ laban sa dating employer.

Ayon sa general manager ng ‘Mission for Migrant Workers’ na si Cynthia Abdon-Tellez, lahat ng OFW’s ay dapat mayroong isang day-off sa loob ng isang linggo.

Kahit na dumating ang pand3mya ay hindi pa rin nabago ang batas na ito. Maaaring mag day-off ang mga OFW’s kahit sa loob ng tahanan ng kanilang employer.

Kung talagang nag-aalala ang employer, dapat hindi din sila lumalabas. Pero lumalabas din sila kaya hindi makatwiran yung dahilan nila na hindi pagpapalabas sa iyo,” sabi ni Tellez.


***