Note sa artwork ng isang estudyante, pumukaw sa puso ng mga netizens - The Daily Sentry


Note sa artwork ng isang estudyante, pumukaw sa puso ng mga netizens



Maraming kabataan ang gustong makapag-aral ngunit kapos sila sa buhay. Ngayong panahon ng pand3mya ay mas lalo pang humirap ang buhay.
Photo credit: Velcher Castillo

Ngunit para sa mga batang may pangarap at determinasyon sa buhay ay hindi magiging hadlang ang anomang problema upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Samantala, pumukaw sa puso ng mga netizens ang ibinahaging artwork ng isang guro mula sa kanyang estudyante.

Sa Facebook post ni teacher Velcher Castillo, ibinahagi nito ang kanyang paghanga sa kanyang estudyante na sa kabila man ng kagipitan sa gamit ay ang pagpupursige nitong makapag-aral.
Photo credit: Velcher Castillo

Kalakip ang isang kahon ng krayola na bigay ni teacher Castillo, makikita ang artwork ng estudyante at mababasa ang note sa ibaba.

"Sir wala po akong pambili ng krayola sorry po." 
Photo credit: Velcher Castillo

Sagot ng guro sa note ng kanyang estudyante, “Don't be sorry, nak. I understand you. Here's a box of crayons for you. Keep up the good work! See you when this pandemic finally ends. God bless and stay safe.”

Mabilis na nag-viral ang post ni teacher Castillo at ngayon ay mayroon ng 132k reactions at 55k shares.

Basahin ang buong post sa ibaba:

“This work from one of my students caught my attention. 

"Sir wala po akong pambili ng krayola sorry po." 

Don't be sorry, nak. I understand you. Here's a box of crayons for you. Keep up the good work! See you when this pandemic finally ends. God bless and stay safe.

Para sa bawat estudyante, isang mahigpit na yakap. Kapit lang. Laban lang. Tuloy lang. 

Magkikita kita muli tayo. Know that your efforts are valid and appreciated. Kahit na at kahit pa.”


***