Ipinanawagan ng isang netizen ang matandang lalaki na nagtitinda ng ‘paminta’ na bigyan ito ng tulong dahil sobrang nakakaawa ang pinagdadaanan nitong hirap.
Photo credit: Diego Agustin
Ayon sa post ni Diego Agustin, nadadaanan niya ang matanda sa tuwing siya ay pumupunta ng palengke. Aniya, pamintang buo ang binebenta ng matanda sa halagang 10 piso kada balot.
Kwento ni Agustin, putol raw ang isang kamay ng matanda kaya naman talagang nakakaawa ang kalagayan nito.
Kaya sa tuwing madadaanan siya ni Agustin ay bumibili ito ng paminta sa halagang 40-60 pesos. Aniya, ayaw na sana niyang kunin ang biniling paminta upang maibenta pa ito ng matanda, ngunit pinipilit raw siyang kunin ito kahit isang balot lang.
"bumibili ako sa kanya , minsan 60pesos or 40pesos , pero dapat hindi ko nlng kukunin Kasi para maibenta nya sa iba, at dagdag kita po Sana niya, Sabi nya kuha nalng po ako kahit Isa," sabi ni Agustin.
Sa huli ay nananawagan si Agustin na sana raw matulungan ang matanda. Binanggit rin niya si Raffy Tulfo na kilalang tumutulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programang ‘Raffy Tulfo In Action.’
Sa ngayon ay umabot na sa 23k reactions, 23k comments at 29k shares ang post ni Agustin.
Kanya-kanyang tag rin ang mga netizens sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" at ng vlogger na "The Hungry Syrian Wanderer."
Narito ang buong post:
"Hello po sir raffy, Sana po matulungan nyo po si tatay, nagtitinda po sya PAMITANG BUO bawat balot 10 piso po, tuwing pumunta ako Ng palingke nadadaanan ko po si tatay, sa may GILID PO SIYA Ng SAVE MORE sa TAÑONG MALABON po..kahit matanda na po siya at ung kamay niyang Isa ay Wala , nag hanap buhay parin po siya, bumibili ako sa kanya , minsan 60pesos or 40pesos , pero dapat hindi ko nlng kukunin Kasi para maibenta nya sa iba, at dagdag kita po Sana niya, Sabi nya kuha nalng po ako kahit Isa, bilang respeto po kumuha nlng po ako Ng Isa, tuwing nakikita ko po si tatay, nadudurog Ang puso ko kase matanda na po sya at Lalo na ngaun mahirap NASA labas Kasi matanda n po xa ,, sna may makatulong po Kay tatay..Wala nmn po masyadong pumapansin sa kanyang inaalok na paninda, Sana po sir raffy matulogan nyo po si tatay, paki share nalng po guys para po Kay tatay. Sana sir raffy matulogan nyo po si tatay please.."
Photo credit: Diego Agustin
Photo credit: Diego Agustin
***
Source: Diego Agustin | Facebook