Matandang may kapansanan, kasama ang mga alagang aso sa paghahanap buhay - The Daily Sentry


Matandang may kapansanan, kasama ang mga alagang aso sa paghahanap buhay



Minsan, kung sino pa ang may kakulangan at kapansanan sila pa ang matiyaga at masipag sa paghahanap buhay. At kung sino pa ang may malakas na katawan at walang nararamdamang sakit, sila pa ang tamad at ayaw magtrabaho.
Photo credit: Argem Grace Anne Orcado

Kaya naman nakakahanga ang mga taong sa kabila ng kanilang kapansanan ay nagagawa pa rin gumawa ng paraan upang makapag-hanapbuhay.

Hindi nila alintana ang hirap. Patuloy sila sa pagkayod upang matugunan ang pang araw-araw na pangangailangan.

Sa Facebook post ng netizen na si Argem Grace Anne Orcado, ibinahagi nito ang mga ng isang matandang lalaki kasama ang mga alagang aso.
Photo credit: Argem Grace Anne Orcado
Photo credit: Argem Grace Anne Orcado
Photo credit: Argem Grace Anne Orcado
Photo credit: Argem Grace Anne Orcado
Photo credit: Argem Grace Anne Orcado

Mayroon din video na in-upload ang netizen kung saan makikita ang lalaki na tila hirap sa paglalakad. 

Ayon sa mga larawan, pagkukumpuni o pag-aayos ng mga sirang payong ang trabaho ng matanda. Kasama ang mga alagang aso na siyang humihila sa kanyang mga kagamitan, nag-iikot ikot sila sa mga kabahayan upang makahanap ng customer.

Narito ang video:

Umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang post ni Orcado.

Sa ngayon ay mayroon ng 11k reactions, 6k comments at 25k shares ang nasabing post.

(Kahit may pandemya hindi nakaka apekto ito kung talagang pursigido ka sa buhay o buhay mo)
(Salamat tay at naayos nadin ang tatlong payong)
(Pati din sa mga aso mo nga tumutulong sa pag dadala ng mga gamit mo)


***