Ang ating mga lolo at lola ay talaga namang mahal na mahal tayo. Minsan ay mas malapit pa tayo sa kanila kaysa sa ating nanay at tatay.
Lolo Roberto / Photo credit: Carl Henry Roldan
Hindi maitatanggi na ang ilan sa atin ay na-spoiled ng kanilang mga lolo at lola. Bukod kasi sa kanilang pagmamahal at pag-aalaga sa atin ay handa rin silang magtiis para sa kanilang mga apo.
Ganito ang ipinapamalas na kasipagan at pagtitiis ng isang lolo mula sa Barangay Gumaoc San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa Facebook post ng netizen na si Carl Henry Roldan, in-upload nito ang isang video at mga larawan ni lolo Roberto na naglalako ng isda at nag-iikot ikot sa ibang lugar kahit hirap na hirap ito sa paglalakad.
Lolo Roberto / Photo credit: Carl Henry Roldan
Lolo Roberto / Photo credit: Carl Henry Roldan
Nanawagan si Carl sa mga netizens na may mabubuting puso na tulungan si lolo Roberto. Gustuhin man raw niya itong tulungan ngunit hindi rin sapat ang kanyang kinikita.
Aniya, in-upload na lamang niya ang video at mga larawan upang sa ganun ay maging daan ito upang may makatulong kay lolo.
Panoorin ang video sa ibaba:
Ayon naman sa comment section, inaalagan raw ni lolo Roberto ang kanyang apo dahil pinabayaan na ito ng kanyang magulang.
Samantala, magpapaabot naman ng tulong ang isang grupo mula sa Facebook page na NHARDZBROW. Nananawagan rin sila sa mga gustong tumulong at sumama upang dalawin si lolo Roberto.
Narito ang buong post ni Carl:
"Mga kaibigan, kakilala na taga f.homes 1. Baka makita nyo c tatay. Bili nman kayo ng isda nya kht magkano lang. Maliit n bagay pero malaking tulong s knya. Salamat!"
***
Source: Carl Henry Roldan | Facebook