Lolo na 84-anyos, pagod na pagod na nag-iikot para magtinda ng honey; Sana matulungan - The Daily Sentry


Lolo na 84-anyos, pagod na pagod na nag-iikot para magtinda ng honey; Sana matulungan



Sa hirap na dinaranas natin ngayon sa panahon ng pandemya, kahit anong klaseng trabaho siguro ay papasukin natin basta ito ay marangal at hindi iligal. Basta para sa pamilya, kaya nating magtiis at magsakripisyo.
Photo credit: Catherine Jajalla Castro Nazol

Kahit ang ating mga lolo at lola ay hindi tumitigil sa pagkayod kahit na mahina na ang kanilang mga katawan sapagkat kailangan nilang kumita ng pera.

Katulad na lamang ng 84-anyos na lolong pagod na pagod na nagtitinda ng honey kahit na tirik na tirik ang araw.
Photo credit: Catherine Jajalla Castro Nazol

Sa Facebook page na SIRBISU Channel, ibinahagi nito ang larawan ni lolo kasama ang post ng netizen na si Catherine Jajalla Castro Nazol.

Ayon sa post ni Catherine, kumatok raw sa kanyang tindahan si lolo at inalok siyang bumili ng panindang honey. 

Humingi rin ng tubig si lolo dahil pagod na pagod raw ito sa paglalakad.

Mapapansin sa larawan na tila may diperensya ang isang mata ni lolo.
Photo credit: Catherine Jajalla Castro Nazol

Nananawagan si Catherine sa mga netizens na makakakita o makakasalubong ni lolo na sana raw ay bumili sila ng paninda nitong honey.

Hindi naman nabanggit ang pangalan ni lolo at iba pang detalye ngunit ayon sa post ay taga Apurawan Palawan ito.

Narito ang kabuuang post ng SIRBISU Channel Facebook Page:

“Kawawa c tatay nagkatok sa tindahan magbili daw ako ng honey tag 150 per bottle tapos makiinom daw sya sobrang init Baka masalubong nyo c tatay naglalako ng Honey sa mga nakakaluwang sa buhay bilhan nyo nlng po si tatay para maubos na paninda nya n honey at makauwi na sya sobrang init pnaman Bili na kayo kay tatay mga maam sir ha pag nakita nyo po sya nandito sya bnda ngayon sa amin sa baltan naglalako taga apurawan pa pla sya jusko ang layo pa 84 year old na pla sya. Salamat po."

Samantala, sa bagong post ni Catherine sa kanyang Facebook account, sinabi nitong napakarami raw netizen ang kumontak sa kanya at gustong tumulong kay lolo ngunit hindi niya alam kung saan niya ito hahanapin.

Ngunit isang araw habang papunta siya sa kanyang shop ay nadaanan niya si lolo na pumapara umano ng mga tricycle. Agad na hinintuaan ni Catherine si lolo upang makausap.

"Tay Ikaw diba Ang nagtitinda ng honey sabi nya Oo papunta daw sya sa bahay nya magkuha ng honey para maglako sinamahan ko sya agad kong saan  sya nakatira binili kona din agad Ang 4 bottles n honey ni Tatay pra hndi na sya maglako 30 pesos per bote Ang tinutubo ni Tatay," kwento ni Catherine.
Photo credit: Catherine Castro
Photo credit: Catherine Castro

Dagdag pa niya, dadalhin nalang daw ni lolo ang mga honey sa kanyang shop upang hindi na ito mahirapan mag ikot-ikot upang magtinda. 

Narito ang buong post ni Catherine:

"Hi mga maamsh naalala nyo po ba c Tatay na naglalako ng Honey ung pinost ko nong mga nakraang buwan na 85 years old na nagbebenta ng honey  sobrang daming naghahanap sakin saknya...nong mga panahon n yon hndi ko tlga alam Kong saan ko matatagpuan c Tatay kasi hndi ko alam Ang bahay nya ..at ito na nga ngayong umaga lang papunta n sana kami sa shop ng madaanan ko c Tatay sa kalsada pinapara nya Ang trisycle hinintoan ko agad kasi namukhaan ko sya sabi ko Tay Ikaw diba Ang nagtitinda ng honey sabi nya Oo papunta daw sya sa bahay nya magkuha ng honey para maglako sinamahan ko sya agad kong saan  sya nakatira binili kona din agad Ang 4 bottles n honey ni Tatay pra hndi na sya maglako 30 pesos per bote Ang tinutubo ni Tatay , nagtitiis maglibot2 para makabenta sobrang init minsan maulan alam ko marami Nagmessage nakaraan gusto bumili ng honey Kay Tatay dito nya daw dadalhin sa tindahan ko...sa gusto mag abot ng Tulong saknya e pm nyo lang ako mga maamsh may video c Tatay post ko later. 

....pa share ng post ko mga maamsh para makita ng mga ibang naghahanap dati Kay Tatay po....salamat & God bless po."
Photo credit: Catherine Castro
Photo credit: Catherine Castro
Photo credit: Catherine Castro
Photo credit: Catherine Castro


***