Lalaking kinantyawan na may C0V1D, umakyat sa poste ng kuryente - The Daily Sentry


Lalaking kinantyawan na may C0V1D, umakyat sa poste ng kuryente



Viral sa social media ang isang lalaking umakyat sa poste ng kuryente matapos itong kantyawan ng mga katrabaho na meron siyang Cov1d-19.
Imahe mula sa post ni Jun Inabangan

Sa Facebook post ni Jun Inabangan, lumangoy muna daw ang lalaki sa ilog pasig mula sa Makati patawid ng Mandaluyong.

Ayon kay Inabangan, ang lalaki ay isang construction worker. 

Mabuti na lang at kaagad napuntahan nina Mayora Menchie Abalos at dating Mayor Atty. Benjamin Jr Abalos ang lalaki. 

Matapos ang apat na oras na pakikipagnegosasyon, nailigtas ang lalaki.

Nakiusap naman si Inabangan sa mga netizens na sana huwag maging judgemental at huwag pandirihan ang mga taong tinamaan ng sakit na Cov1d-19.

Dagdag nito, huwag din i-discrimate ang ating mga frontliners dahil sila ang tumutulong sa atin.
 Imahe mula sa post ni Jun Inabangan
Imahe mula sa post ni Jun Inabangan

“Kung wala ang mga frontliners, sino pa ba ang tutulong sa mga maysakit o sa ating lahat?".

Pagkakaisa at pagmamahal ang kailangan sa panahon ng pandemic. Tandaan natin, ang kalaban dito ay ang sakit, hindi ang kapwa-Pilipino.” dagdag nito.

Narito ang kanyang buong post:

“Maraming ganap dito sa aming barangay. Habang nagbibigay ng relief goods sa aming lugar, binalita sa DZBB ang insidenteng ito kahapon.

May isang lalaki ang lumangoy sa ilog pasig mula sa Makati patawid ng Mandaluyong at umakyat ng poste ng kuryente. Hindi siya baliw, katunayan isa syang construction worker. 
Imahe mula sa post ni Jun Inabangan
Imahe mula sa post ni Jun Inabangan

Ano ang dahilan? Dahil kinantyawan siya ng mga katrabaho nya na meron syang C0V1D-19. Alam nyo naman siguro ang stigma ng mga tao kapag nalamang may C0V1D-19 ka.

Kaagad pumunta sina Mayora Menchie Abalos at dating Mayor Atty. Benjamin Jr Abalos upang makipagnegosasyon sa kanya. Matapos ang apat na oras na negosasyon, nakaligtas ang lalaki. Malaking tulong na agad silang rumesponde kasama ang BFP, PNP, MERALCO, medical team at ilang rescue team.
Imahe mula sa post ni Jun Inabangan
Imahe mula sa post ni Jun Inabangan

Nararapat lang na bigyan ng sapat na kaalaman at maging sensitibo ang mga tao patungkol sa COVID-19. Hindi dapat maging conclusive agad at judgmental. At kung meron man silang sakit, hindi dapat sila pandirihan at pagtabuyan dahil hindi naman din nila ginustong magkasakit. Si lolo Cresencio na kabarangay din namin, nang malamang positibo siya ay nagkaroon ng diskriminasyon sa kanyang pamilya. Ilang linggo din daw silang hindi lumabas ng bahay, ni hindi makabili ng pagkain. Mabuti na lang ay gumaling si lolo sa edad na 95 anyos – ang pinakamatandang C0V1D-19 survivor sa Pilipinas.

Alam din natin ang diskriminasyon sa ating frontliners. Naalala nyo ba yung ambulance driver na binaril habang kumakain sa isang kainan dahilan sa napagkamalan siyang may C0V1D-19? At yung isang nurse na pinalayas ng isang landowner dahil sa nagtatrabaho siya sa ospital at yung isa pang nurse na sinabuyan ng bleach sa mukha? Kung wala ang mga frontliners, sino pa ba ang tutulong sa mga maysakit o sa ating lahat?

Kung patuloy pa rin ang ganitong stigma, hindi matatapos ang problemang ito. Pagkakaisa at pagmamahal ang kailangan sa panahon ng pandemic. Tandaan natin, ang kalaban dito ay ang sakit, hindi ang kapwa-Pilipino.”



***