May mga tao talagang mas malapit pa ang loob sa kanilang mga alagang hayop kaysa sa mga taong nasa paligid nila. Mayroong iba na itinuturing ang kanilang mga alagang hayop na parte na ng kanilang pamilya.
Kaya sa mga hindi mahilig sa hayop, mahirap para sa kanilang intindihin ang nararamdaman ng taong nawalay o nawalan ng alaga.
Lungkot, pagdurusa at iba pang klase ng emosyon ang mararamdaman ng isang pet lover kapag may nangyaring hindi kaaya-aya sa kanilang pinakamamahal na alaga.
Katulad na lamang ng isang lalaki mula sa bansang Indonesia.
Sa Instagram account ng netizen na si Bayu mula sa Cetral Java’s Sukoharjo regency, Indonesia, ibinahagi nito ang malupit na sinapit ng kanyang alagang Arowana matapos itong i-prito ng sariling ama.
Matapos mai-post ni Bayu sa kanyang Instagram account ang pangyayari, umani ito ng simpatya at awa mula sa mga netizens.
Sa mga hindi nakakaalam, ang Arowana ay isa sa mga pinakamahal na isda sa Indonesia o sa buong mundo. Nabili ni Bayu ang kanyang alaga sa halagang $56.70 o P2,830.
Habang lumalaki ang Arowana ay mas nagmamahal pa ang presyo nito. Mahigit apat na taon na raw inaalagaan ni Bayu ang kanyang Arowana at naging malapit na raw ito sa kanya.
Ngunit isang araw ay nagulantang siya sa natanggap na larawan mula sa kanyang kapatid.
Sa larawan ay makikitang inihahanda ng lutuin ang kanyang Arowana. Ayon kay Bayu, ang kanyang ama ang may pakana nito at hindi man lang daw ito nagpaalam sa kanya.
Sa larawan ay makikitang inihahanda ng lutuin ang kanyang Arowana. Ayon kay Bayu, ang kanyang ama ang may pakana nito at hindi man lang daw ito nagpaalam sa kanya.
Hindi malaman ni Bayu ang kanyang gagawin ngunit wala na siyang magagawa dahil nai-prito na ang kanyang Arowana.
***
Source: Solokini | Instagram