Hindi nating maitatanggi na karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi kaagad dumudulog sa mga dalubhasa sa tuwing tayo ay may mga sakit na nararamdaman sa ating katawan.
Ang iba ay nakasanayan na lang magtanong sa mga kapamilya o kaibigan kung ano ang dapat inumin o gawin sa kanilang mga karamdaman.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga iilan ang sobrang hirap na dinaranas sa pag aaral at pagsasanay para maging eksperto sa larangan at bago maging isang ganap na doktor.
Bukod pa dito ang napakalaking gastusin at tagal ng panahong iyong gugugulin bago makapagtapos ng kursong ito.
Isang Netizen na nangangarap maging doktor na si Earvin James Garcia Ortiguero, ang nagbahagi ng kaniyang karanasan bilang isang mag-aaral ng kursong ito.
Earvin James Garcia Ortiguero | Facebook
Earvin James Garcia Ortiguero | Facebook
Hinangaan siya ng marami dahil sa kaniyang sipag at determinasyon upang maabot ang kaniyang pangarap.
Narito ang kaniyang kwento:
MADALI LANG BA ANG TRAINING NG DOKTOR?
-Magduty ka lang naman ng 32-36 hours straight shift/walang uwian. Yung 15 mins - 1 hr na pahinga/idlip ay sobrang precious na. Buti nga may quarters kami jan eh.
Sa ibang ospital walang quarters. Sandal ka nalang or maglatag sa sahig or yuyuko para magpahinga konti. Diskartehan mo na.
Earvin James Garcia Ortiguero | Facebook
Earvin James Garcia Ortiguero | Facebook
-Ikaw ang workforce/utusan/bawal magreklamo. All the scut works. Gawin mo.
-Bawal tamad. Bawal tat*nga-t*nga. Bawal pumalpak kundi lagot ka sa mga seniors mo at kawawa ang mga pasyente. BUHAY ang nakasalalay.
-Lahat ng ugali ng tao pakikisamahan mo. From pinakamabait hanggang sa nagwawala.
Dagdag mo na rin yung mga hindi mo na-attend’an na mga family gatherings, birthdays, reunions, kasal, etc.....
Earvin James Garcia Ortiguero | Facebook
Earvin James Garcia Ortiguero | Facebook
Dagdag mo na rin ang 120k+++ na tuition PER Semester x 4 years medschool proper + allowance + books/review materials + living and transpo allowance.....
Time, money, effort, tiyaga at tibay ng loob ang investment namin dito.
After graduation, may internship (1yr) then board exam, residency training (3-6 years), fellowship/sub specialty training (1-3yrs).
After all these years of hardships, countless exams and training, deserve naman siguro namin ang RESPECT at good compensation diba??
PS Hindi po ito dorm/sleep over. Nasa hospital quarters po kami. Hindi po kami nagslaslack jan, katatapos lang po ng edema rounds (rounds sa lahat ng pasyente sa buong ospital) sa isang hospital affiliation namin. Konting pahinga lang kasi in a while magmomonitor na kami ng patients o kaya naman mage-errands kami.
#TIMEOUT