Screenshot mula sa video ng Gulf News |
“Sana manalo ako sa lotto”, mga katagang laging sinasabi ng
karamihan sa atin na nangangarap palarin na maging milyonaryo nang dahil sa lotto.
Napakaliit ng posibilidad na manalo ng milyon milyon, kaya
naman isa ka na siguro sa pinaka maswerteng tao sa balat ng lupa kapag ikaw ang
mapalad na nanalo.
Screenshot mula sa video ng Gulf News |
Kamakailan lang ay napabalitang isang kababayan natin na
Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates (UAE) ay naging instant
millionaire matapos nitong manalo sa isang draw sa Fujairah.
Ayon sa isang artikulo ng Gulf News, si Paterio, 52 taong
gulang at tubong Laguna, ay ang pinaka huling nanalo sa Mahzooz draw sa naturang
siyudad ng tumataginging na 10 milyong Dirhams o katumbas ng 136 milyong piso.
Si Paterio ay nagta-trabaho sa Fujairah, UAE bilang materials
contract supervisor sa isang oil and gas company.
Walang mapag lagyan ang kanyang tuwa at labis-labis din ang
kanyang pasasalamat, dahil dito malaki ang magbabago sa kanyang buhay.
Ani Paterio, basta nalang daw niya pinili ang mga numerong
tinayaan at inaming hindi na niya matandaan ang mga ito.
“I definitely did not think the numbers would win me Dh10
million,” ang pagbabahagi ng Pinoy expat.
Screenshot mula sa video ng Gulf News |
Ayon pa sa ulat, mahigit isang taon na ring hindi nakakauwi
sa Pilipinas si Paterio at di nakikita ang kanyang pamilya.
Napakalaking tulong umano ng perang kaniyang napanalunan para
sa pagpapagamot ng kanyang bunsong anak
na may cerebral palsy at sa pag-aaral naman ng kanyang panganay na nasa kolehiyo.
“It’s God's blessing that I have won such a big
amount." Ayon pa kay Paterio
"This is a life-changing moment for my family,"
dagdag pa ng Pinoy expat na talaga namang tuwang-tuwa
Nasa tatlong taon na nag tatrababaho sa UAE si Paterio at nagustuhan
niya ang pag-aalaga sa kanila bilang mga OFW sa naturang bansa, kaya naman nais
din niyang mag laan ng pera upang makapag invest doon, hindi lang para sa kanya
kundi para sa linabukasan nila ng kaniyang pamilya. *
Screenshot mula sa video ng Gulf News |
“The UAE has been my safe zone during the pandemic. The
country takes care of its residents so well. Winning such a big amount makes me
want to invest here in the UAE in order to secure my future and that of my
family,” ayon kay Paterio
Mula din sa kanyang napanalunan ay nais tuparin ni Paterio
ang pangarap ng kanyang asawa na makabili ng sarili nilang bahay.
Plano rin ni Paterio na bumili ng Ford Raptor na sasakyan,
hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa negosyong planog simulan kasama
ang kanyang asawa.
“The pickup truck is for a business that my wife and I plan
to invest the prize money in. I’m a normal guy who enjoys a simple, low-profile
life. The fact that this money allows me to offer my family a beautiful future
is the greatest gift of all for me,” paliwanag ng OFW
“I’ve spent the last decade, toiling away alone in
Madagascar, Saudi Arabia and the UAE, just to ensure my family is comfortable.
It’s time for me to be with them and help care for my children,” aniya pa
Ang Mahzooz Grand Draw ay isang weekly event sa Fujairah. Kasabay
ni Paterio ay mayroon pang 16 na nanalo ng second prize na 1 milyong Dirhams at
884 naman ang naka kuha ng 3rd prize na 350 dirhams bawat isa. Kaya
naman, mapapa “Sana all” ka nalang sa mapapalad na nanalo.