Honest working student, umani ng papuri at paghanga matapos isauli ang perang nakita sa ATM machine - The Daily Sentry


Honest working student, umani ng papuri at paghanga matapos isauli ang perang nakita sa ATM machine



Anong gagawin mo kapag may biglang pitong libong piso na lumabas sa isang ATM machine kahit na hindi mo pa ito ginagamit?
Jeanette Cortez Real / Photo credit from her Facebook account

Umani ng papuri at patuloy na hinahangaan ng mga netizens ang katapatan ng isang working student mula sa Bacoor, Cavite matapos niyang isauli sa bangko ang perang nakita niya sa ATM machine.

Kwento ni Jeanette Cortez Real, isang estudyante at call center agent, magwiwithraw sana siya ng pera noon sa ATM machine, ngunit hindi pa niya naipapasok ang kanyang card ay bigla raw may lumabas na pera.

Noong una raw ay hindi alam ni Jeanette kung magkano ang lumabas na pera sa ATM. Maya-maya ay lumabas na rin ang resibo at doon niya nalaman na nasa P7900 ito.
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account

Nung una hindi ko alam kung magkano siya kasi hindi ko siya agad binilang, parang napalingon muna ako sa paligid ko sabi ko hala kaninong pera to,” sabi ng honest working student.

“May lumabas na resibo, tapos pagtingin ko sa resibo nakita ko yung amount po, tapos sabi ko hala medyo malaki ‘to,” dagdag niya.
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account

Dahil hindi niya alam kung ano ang dapat gawin sa pera, minabuti niyang i-turn over ito sa pinakamalapit na branch ng Bangko.

Inasikaso po agad ako tapos sabi po nila sa akin, sila na daw po bahala,” sabi ng matapat na netizen.

Ipinost rin niya sa social media ang nangyari at nagbabakasakaling mabasa ito ng mag-ari ng pera. 

Mabilis na nag-viral ang post ni Jeanette at dito na siya dinumog ng mga mensahe ng papuri at paghanga.

Kung tutuusin ay pwedeng itago o kunin na lamang ni Jeanette ang perang nakita dahil makakatulong ito sa kanyang pag-aaral. Ngunit aniya, 
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account

“‘Yung may ari po noon, alam ko pong marami rin siyang pinagdaanan para makuha ‘yung pera na ‘yun so parang kung aangkinin ko siya, parang ang laking konsensya po yun.” 

Basahin ang buong post sa ibaba:

“PA SHARE PO NG POST PLEASE!!! 

Kaninang umaga sa SM BACOOR around 9:00 AM, mag wiwithdraw sana ako ng pera sa ATM sa labas ng SM BACOOR . Bago ako mag withdraw, may lumabas na pera sa machine (security bank) na nasa 7,900 pesos at my resibo din. Nagulat ako hindi ko alam kung kanino dahil hindi namin napansin ng ate ko yung unang taong gumamit ng machine bago ako mag withdraw. Lumapit ako sa guard para sabihin yung nangyare at ibigay yung details ko para kung sakaling may mag hanap ng pera, Sinabi ko na din sa guard na sa Banko ko nalang ituturn over yung pera since my resibo din na kasama kasi para matrace nila. Pumunta agad ako ng Security Bank Imus malapit sa LTO para iturn over ang pera dahil alam ko na matatrace nila kung sino ang may ari ng account at para maibalik ng maayos sa kanila. Sabi naman sa bangko na nakausap ko sila na daw bahala mag adjust for sure kasi my magrereklamo na na debit sila. at para na din secured at sure na maibabalik ito sa totoong may ari dahil hindi natin alam ang pinagdadaanan ng bawat tao, at kung para saan gagamitin ang pera. base sa resibo na lumabas sa machine, 96 pesos na lang ang balance ng bangko ng may ari at maaaring huling pera na niya ito. Please pa share po ng post baka sakaling makita to ng kung sino man yung nag withdraw kanina sa labas ng sm baka akala niya walang laman yung machine kaya umalis agad siya. 

 MARAMING SALAMAT PO.”


***