Estudyanteng wala ng maipambili ng pagkain, humingi ng tulong sa kanyang teacher - The Daily Sentry


Estudyanteng wala ng maipambili ng pagkain, humingi ng tulong sa kanyang teacher



Ang ating mga guro ay tumatayong pangalawang magulang sa eskuwelahan at sila ang tumulong para mapanday at mapahusay tayo. 
Photo credit: Ethan Andrew Calla

Ang mga guro natin mula elementarya hanggang kolehiyo ay masasabing mga tahimik na bayani ng bawat henerasyon. 

Kaya naman naantig ang damdamin ng mga netizens matapos tulungan ng isang guro ang kanyang estudyanteng wala na umanong maipambili ng kanilang pagkain.

Sa Facebook post ni teacher Ethan Andrew Calla, ibinahagi nito ang usapan nila ng kanyang estudyanteng humigingi ng tulong.
Photo credit: Ethan Andrew Calla

Ayon sa estudyante, wala na raw natira sa kanyang sweldo kaya wala ng maipambili ng pagkain para sa kanyang bunsong kapatid. 

Ang ama naman nito ay walang permanenteng trabaho dahil mahina na ang katawan.

Si papa po kasi wala napo trabaho, part time part time nalang po sir kase mahina na po katawan,” sabi ng estudyante.

sir kahit ilan po, malaking tulong napo saken yun, makakain lang ng maayos si bunso ok napo,” dagdag ng estudyante.

Hindi matiis ni teacher Ethan ang kalagayan ng kanyang estudyante kaya tinulungan niya ito.

Labis labis naman ang pagpapasalamat ng estudyante sa kanyang mapagmahal na guro.

Everytime na nakakatanggap ako ng msg from my students like this, sobrang lumalambot ang puso ko,” sabi ng guro.
Photo credit: Ethan Andrew Calla

hindi natin sila obligasyon and they're not requiring us to help them all the time, pero there are instances na talagang lalapitan ka nila kasi alam nilang matutulungan mo sila,” dagdag niya.

Basahin ang buong post ng guro sa ibaba:

Everytime na nakakatanggap ako ng msg from my students like this, sobrang lumalambot ang puso ko. Yes, hindi natin sila obligasyon and they're not requiring us to help them all the time, pero there are instances na talagang lalapitan ka nila kasi alam nilang matutulungan mo sila. And without any hesitations, talagang pinapaabot ko kung ano man ang makakaya ko.

I am lucky enough to eat 3 times a day, minsan pa nga more than that, but this kind of students needs more care, love and understanding. Kapag nalaman mo ang kwento nila, sobra tayong napapamangha sa katatagang meron sila sa murang edad. Kaya sana matulungan pa natin sila lalo na ngayong may pandemya. 
Photo credit: Ethan Andrew Calla 
Photo credit: Ethan Andrew Calla 

I'm not posting this for fame or what, I'm posting this to raise awareness especially sa mga kapwa ko guro and also sa ibang tao na we can extend our hands/help for them. We are living in one sky, so please share your blessings. 

Remember, no one is useless in this world who lightens the burdens of another, there is no exercise better for the heart than reaching down and lifting people up. When we give cheerfully and accept gratefully, everyone is blessed. 

Hebrew 13:16, the Bible is telling us to not forget to do good and to share with others. Either small or big. Glory to God”

Marami ang humanga at na-inspire sa ginawa ni teacher Ethan. Maging ang mga kapwa niya guro ay natuwa sa ginawa niyang kabutihan sa kanyang estudyante.

"God bless you sir! nakaka inspire naman po lalo huhu. I'm also a teacher and may mga panahon na ganyan din ang ginagawa ko pag may mga students ako na humihingi ng tulong, kahit sa maliit na paraan," sabi ni Irene Aure Dimailig.

"Nakailang bigay nadin ako sa students ko before, lalo na pag nawalan ng pera or walang baon ewan ko? kaso anliit na bagay lang non para sakin. Pero ang laki ng balik ni Lord after," sabi ni EG Eustaquio Delos Reyes.

"Truly, I say to you, they have received their reward. But when you give to the needy, do not let your left hand know what your right hand is doing, so that your giving may be in secret. And your Father who sees in secret will reward. (Matthew 6:1-4,ESV)" comment naman ni Mecz Pataque.


***