Dabarkads Jimmy Santos, nagdaos ng kaarawan sa kalye upang mamahagi ng kaunting tulong sa mga mahihirap. - The Daily Sentry


Dabarkads Jimmy Santos, nagdaos ng kaarawan sa kalye upang mamahagi ng kaunting tulong sa mga mahihirap.



Kamakailan lang ay nagdiwang si Jimmy Santos ng kaniyang ika-70 na kaarawan. Oktubre 8 ang petsa ng kapanganakan ng sikat na komedyante na talaga namang kinaaliwan ng mga manunood mula pa noong dekada 80.

Dahil likas na may mabuting kalooban ang tinaguriang 'Bondying' ay minabuti nitong mamigay ng tulong sa mga nangangailangan sa araw ng kaniyang kaarawan.




Nag ikot-ikot ito upang maghanap ng mga tao sa kalsada upang saglit na makapanayam at mabigyan ng konting tulong.

Una niyang natagpuan ang batang si Margie, naabutan niya itong namamalimos at nakasalampak sa kalsada. Dahil sa napakapayat ng 15-anyos na bata ay batid ni Jimmy na nabibigatan ito sa binigay niya kaya inabutan niya pa ito ng pamasahe para hindi na ito maglakad pauwi.

Jimmy Saints | YouTube

Jimmy Saints | YouTube


Sunod naman nitong napusuhan ang mangangalakal na si Arturo, kasa-kasama ang kaniyang dalawang anak habang nagtatrabaho, masuwerte ding napamahagian ng munting tulong ni Jimmy ang masipag na si Arturo na ayon sa kaniya ay kumikita lamang ng P200 kada araw.

Inabot man ng ulan ay patuloy na nag ikot ikot ang may kaarawan upang makahanap ng mga mamamayang kapos na maaari niyang matulungan.

Jimmy Saints | YouTube

Jimmy Saints | YouTube


Isang tindera ng empanada at isang yaya na bitbit ang kaniyang anak ang magkasunod na nabigyan ng ayuda ni mang Jimmy. Ang yayang si Sheena at anak na lalaki ay galing pa raw umano sa kulungan para dalawin ang kaniyang asawa.

Nadaanan din nito at naabutan ng tulong ang mga kabataang naghahakot ng basura sa mga bahay-bahay at isang grupo na patuloy sa pagbabanat ng buto kahit na umuulan.

Sa huli ay nagbigay ito ng payo at ipinaalala ang kasabihang "madaling humanap ng kaaaway ngunit mahirap maghanap ng kaibigan."

Jimmy Saints | YouTube

Jimmy Saints | YouTube