Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay hindi madali. Kahirapan ang unang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay gustong lisanin ang Pilipinas at magtrabaho sa ibang bansa.
Photo credit: Ginalyn Junkurt
Kadalasan, ang nag-uudyok sa mga OFW na umalis ay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak.
Kaya naman tinagurian silang “modern-day heroes” sa ating bansa dahil sa kanilang sipag, dedikasyon at sakripisyo.
May mga kababayan tayong hindi naging maganda ang kapalaran sa ibang bansa, ngunit mayroon din namang sinuwerte o nagtagumpay sa kanilang pangarap.
Katulad na lamang ng OFW sa Hongkong na si Ginalyn Junkurt mula sa Tuguegarao City, Cagayan, na hinangaan ng mga netizens sa social media. Talaga namang maiinspire kayo sa kwento niya bilang OFW.
Photo credit: Ginalyn Junkurt
Photo credit: Ginalyn Junkurt
Dahil sa hirap ng buhay ay nagdesisyon si Ginalyn na mag-abroad upang matulungan ang kanyang pamilya.
Ang perang natatanggap ni Ginalyn sa kanyang pagtatrabaho ay naka-budget ng maayos at pinakamalaki ang nakatabi para sa pagpapagawa niya ng sariling bahay.
Ayon sa comment section, nasa 4,410 HongKong dollars o P28,000 ang kanyang sahod sa isang buwan.
Pinakamaliit ang budget nito para sa sarili na 110HK dollars o 707 pesos lamang.
Kaya naman hangang hanga sa kanya ang mga katulad niyang OFW dahil napakatipid niya at talagang nagtitiis at nagsasakripisyo para sa pamilya.
Bago siya umalis ng Pilipinas noong 2018 ay barung-barung lamang ang kanilang bahay matapos itong masira sa hagupit ng bagyo.
Mahigit isang taon ay malaki na ang ipinagbago ng bahay nina Ginalyn. Kung dati ay tagpi-tagping kahoy, ngayon ay semento na at gawa sa matitibay na materyales.
Ibinahagi ni Ginalyn sa Facebook group na “Peso Sense Savers Group” ang ipinagbago ng kanilang tahanan.
***
Source: SasaFeed