Batang babae, nasawi dahil sa sobrang dami ng kuto; Mga magulang sinampahan ng kaso - The Daily Sentry


Batang babae, nasawi dahil sa sobrang dami ng kuto; Mga magulang sinampahan ng kaso



Ang pag-aalaga sa ating mga anak ay responsibilidad nating mga magulang simula sa kanilang pagiging malinis sa katawan at paghubog ng kanilang ugali.
Kaitlyn Yozviak / Photo credit to the owner

Responsibilidad natin silang alagaan at ibigay ang magandang kinabukasan para sa kanila.

Subalit, hindi lahat ng mga magulang ay kayang alagaan o maging responsable sa kanilang mga anak. May ilan na pinapabayaan lamang ang mga ito.

Samantala, isang nakakagulat na balita ang nangyari sa Georgia, USA matapos umanong masawi ng isang bata dahil sa sobrang dami ng kuto.
Kaitlyn Yozviak / Photo credit to the owner
Kaitlyn Yozviak / Photo credit to the owner

Sa report ng WMAZ-TV, cardi@c arrest at severe anemia ang ikinasawi ng 12-taong gulang na si Kaitlyn Yozviak. Ayon sa awtoridad, halos tatlong taon pinamugaran ng mga kuto ang ulo ng bata at itinuturing itong dahilan ng kanyang pagkawala.

Ayon din sa Bureau of Investigation ng Georgia na si Ryan Hilton, ngayon lang siya nakakita ng pinakamalalang peste ng kuto at posible umanong dahil sa pagsipsip ng dugo kaya bumaba ang blood iron level ni Kaitlyn.
Kaitlyn Yozviak / Photo credit to the owner
Kaitlyn Yozviak / Photo credit to the owner

Kwento ng nanay ni Kaitlyn, halos isang linggo na raw hindi napapaliguan ang kanyang anak bago ito masawi.

Sa mga naging pagsusuri at imbestigasyon ng awtoridad, napag-alamang napakadumi raw ng bahay nina Kaitlyn at kahit mga daga ay makikita sa loob ng kanilang tahanan.

Sa inilabas namang report ng doctor na sumuri kay Kaitlyn, sinabi nitong sapat na ang matinding pamemeste ng mga kuto sa ulo ng bata upang maging dahilan ng pagkasawi nito.
Kaitlyn Yozviak / Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ayon kay Brent Cochran, Senior Assistant District Attorney ng Ocmulgee Judicial Circuit, cardi@c arr3st ang ikinasawi ni Kaitlyn at pangalawa ang sévére an3mia na resulta ng palagiang pagsipsip ng mga kuto sa kanyang ulo kaya bumaba ang iron sa kanyang dugo.

Samantala, may naipasang batas sa Georgia noong 2014 kung saan nakasaad dito na maaaring sampahan ng kasong second-degree murd3r ang sinomang magulang o tao kung may ebidensiyang magpapatunay ng kanyang kapabayaan sa pagkasawi ng isang bata habang nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ilang linggo matapos ang pagpanaw ni Kaitlyn ay dumalo ang pamilya nito sa Wilkinson Country Superior Court.

Sa nangyaring pagdinig ay napatunayang “very unclean” ang bahay nina Kaitlyn at maging sa kanilang kama ay makakakita ng mga kuto.

Dahil dito ay napatunayan na nagkasala ang magulang ng bata kaya inaresto sina John Joseph Yozviak, 38, at Mary Katherine Horton, 37 at kinasuh@n ng second-degree murd3r at cru3lty to children in the second degree.


***
Source: Pinas Buzz